POSITIBO si Senador Lito Lapid sa COVID-19.
Ito ang kinumpirma ng kaniyang chief of staff na si Jericho Acedera kung saan kasalukuyang sumasailalim sa treatment ang senador.
“We wish to confirm that unfortunately, Pinuno tested positive in his Covid 19 RT-PCR test.”
Ginagamot si Lapid sa Medical City Clark na may mild to moderate na kaso ng virus ayon sa mga doktor ng Senador.
Ayon pa kay Acedera, sumailalim na rin sa test ang mga naging ‘close contacts’ ni Lapid at pinagbilinan na sumunod sa COVID-19 protocols.
Dagdag pa niya na ang lahat ng personal at close-in employees ng Senador ay negatibo na sa sakit at walang mga sintomas.
Umapela naman ang kampo ni Lapid sa publiko na ipagdasal ang mabilis na paggaling ng mambabatas mula sa naturang sakit pati na ang pagtatapos ng nararanasang pandemya.
“We enjoin everyone to pray that his health and of all those infected continue to improve, and more importantly, for this pandemic to soon be over,” sabi ni Acedera.
Si Lapid ang ika-pitong senador na tinamaan ng COVID-19 matapos kina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sonny Angara, Aqulino Pimentel III, Ramon Revilla Jr., Ronald “Bato” dela Rosa, at Richard Gordon. (Mylene Alfonso)
The post Sen. Lapid positibo sa COVID-19 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: