Facebook

P311M contingency fund ng DOH gagamitin para sa SRA ng health workers

SINABI ng Department of Health (DOH) na gagamitin nila ang kanilang contingency fund bilang pambayad sa special risk allowance (SRA) ng mahigit 20,000 pang health workers sa bansa.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may natukoy pa silang 20,156 health workers mula sa private at public sectors na maidadagdag sa listahan ng mga makakatanggap ng SRA.

Ayon dito ay aabot sa P311 milyon ang halagang kakailanganin para dito ngunit hindi pa aniya ito pinal dahil kailangan pa nilang hintayin ang pinal na listahan at halaga na isusumite ng kanilang mga pasilidad at mga regional offices.

Nabatid na binigyan lamang ng DOH ang mga pagamutan ng hanggang Huwebes ng linggong ito upang maisumite ang listahan ng karagdagang health workers na bibigyan ng SRA dahil sasailalim pa ito sa balidasyon.

Bukod dito, hihingi pa ang Department of Budget and Management (DBM) ng pahintulot mula sa Office of the President upang payagan ang DOH na gamitin ang kanilang contingency funds para sa SRA.

“‘Pag pumayag na po ang DBM, we will already be able to issue the funds for these additional healthcare workers,” pagtiyak pa ni Vergeire.

Una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DOH at sa DBM na i-release ang mga allowance at benepisyo ng mga medical frontliners sa loob ng 10-araw.

Kasunod ito nang pagbabanta ng health worker groups na magsasagawa sila ng mass protest kung hindi ire-release ng DOH ang kanilang mga benepisyo. (Andi Garcia)

The post P311M contingency fund ng DOH gagamitin para sa SRA ng health workers appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P311M contingency fund ng DOH gagamitin para sa SRA ng health workers P311M contingency fund ng DOH gagamitin para sa SRA ng health workers Reviewed by misfitgympal on Agosto 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.