HINDI umano solusyon ang pagpapatupad ng lockdown sa pagsugpo ng virus dulot ng covid19 lalong-lalo na sa National Capital Region (NCR) at iba pang lugar sa bansa.
Ito ay ayon sa ilang eksperto, ekonomista at mga opisyal ng gobyerno na hindi naniniwala na ang lockdown ang solusyon sa pagsugpo at pagpigil sa pagkalat ng covid19.
Lalo anilang pinapahirapan ng lockdown na ito ang madlang people partikular na ang mahihirap o poorest of the poor nating mamamayan.
Isang taong mahigit na rin tayong nasa panahon ng pandemya at tatlong beses na rin isinailalim sa ECQ o lockdown ang bansa ngunit wala ring nangyari bagkus ay lalo pang lumala ‘t dumami ang bilang ng mga taong nag-positibo sa nasabing virus.
Sa mga panahong ito ay pabalikbalik lang ang pag-implementa ng ECQ, MECQ at GCQ ngunit hindi rin naresolba ang problema bagkus ay lalo pa itong lumala.
Nagiging robot na de susi na umano ang marami nating kababayan na wala namang ibang magagawa kundi ang sumunod sa utos ng mga hari na pinangungunahan ng liderato ng Inter Agency Task Force (IATF) na siyang nagre-rekomenda ng mga estadong ito.
Lehitimong manhid at wala yatang pakiramdam ang mga nagpapatupad nito na para bang may intensiyon palawigin ito ng habang panahon para sa sarili nilang kapakanan.
Mantakin niyong sa puspusan na rollout ng mga bakuna at sa dami na rin ng mga bakunado ay lalo pa yatang nag-alburoto ang pagkalat ng virus. Ano na ang nangyari sa inyong mga pagpupulong, pag-aaral at paggastos ng salapi ng bayan para sugpuin o pigilan man lang ang pagkalat ng corona virus.
Saan na kaya napunta ang bilyong pisong dapat na gastusin sa gamot, makinarya at insentibo ng ating mga frontliner partikular na ang mga health workers na unang vulnerable na mahawahan ng kamandag ng salot.
Marami tuloy ang nag-iisip na kayo-kayo lang ang nagkakaintindihan at nakikinabang sa ginagawa niyong hakbang at programa kuno na lubhang nagpapahirap kay Juan de la Cruz.
Kung obligadong magsuot ng mask at face shield ang ating mga kababayan, suhestiyon naman nila na maskarang bakal ang dapat niyong isuot dahil sa sobrang kapal ng inyong mukha.
Napakarami niyong pinag-uusapan at pinaplano ngunit ang lahat daw ng ito ay walang katuturan at sustansiya na pinapakita naman ng kasalukuyang kaganapan sa buong bansa na kung saan ang inyong mga kababayan ang nag-durusa’t nagsa-sakripisyo.
Sana naman daw ay maging honest kayo paminsan-minsan dahil nuknukan umano kayo ng sinungaling. Obvious na obvious na ay pilit niyo pa rin deni-deny ang mga kalokohang kinasasangkutan ng mga taong nasa hanay ninyo.
Talagang ito ang panahon niyong mga hari dahil sobra ang inyong authority na may kasama pang blessing at kunsinti galing sa inyong hari, king of kings ika nga.
Wala daw corruption na nagaganap sa hanay ng mga ahensiya ng administrasyon at kung meron man daw at pweseng itawag agad o ireport sa sariling hotline ng palasyo na direkta na agad sa hari ng mga hari.
Kailangan pa ba umano iyon eh maliwanag pa sa sikat ng araw ang ulat na isinumite ng Commission on Audit (COA) hinggil umano sa katiwaliang nangyayari halos sa lahat ng ahensiya ng gobyerno, ANYARI?
Absuwelto na namn siyempre ang mga bida at tila ang COA pa ang mali at sini-sisi sa kanilang mga inulat, HESUSMARYOSEP, konting pines naman at delikadesa.
Have mercy, mahabag naman sana kayo sa masang PILIPINO na inyo rin namang kakulay at kalugar. Share your blessings na sobra- sobra naman… there’s plenty for everybody daw.
Alam niyo ba at hindi niyo ba nararamdaman na nagsasawa na at hindi na naniniwala sa inyong palpak na patakarang pinapairal ang mga tao, BAKIT KAMO? Hindi na daw sila natatakot sa sinasabi niyong pagkalat ng covid19, mas higit daw nilang kinakatakutan ang pagpapatupad niyong muli ng lock-down dahil mamamatay na daw sila na nakatirik ang mga mata dahil sa gutom at hindi dahil sa virus he… he… he…
The post Hindi solusyon ang pagpapatupad ng lockdown appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: