SA kasaysayan ng Tanauan City, ngayon lang nangyari na ang naturang siyudad ay pinamugaran ng mga kababaihang ilegalista.
Kung dati ay halos lahat na mga kababaihan sa nasabing siyudad ay mapagkalingang maybahay sa kanilang mga asawa at mapagmahal na ina sa kanilang mga supling, ngayon ay ibang-iba na.
Marami na sa mga ito ay operator ng jueteng at financier pa sa bentahan ng shabu di lang sa Tanauan City kundi maging sa buong CALARZON area.
Ngunit tila nakagapos naman ang dalawang kamay nina Tanauan City Mayor Angeline “Sweet” Halili at City Police Chief, P/Ltcol. Edgardo Z. De Asis pagkat kapwa walang aksyon ang mga ito laban sa mga lady drug at gambling operator na sina alias Ms. Dona ng Brgy. Pantay na Bata at Brgy. Pantay na Matanda., Ms Anabel ng Brgy. Pantay na Matanda, at Ms. Lilian ng ng Brgy. Sambat.
Ka-grupo nila sa pagpapatakbo ng kalakalan ng droga at jueteng operations sina Tano ng Brgy. Trapiche at alias Rodel ng Brgy. Sambat.
Ang sentro ng bentahan ng shabu at rebisahan ng taya sa STL cum jueteng nina Tano ay sa isang bahay sa Brgy. Trapiche samantalang si Ms. Donna ay sa magkahiwalay na hide-out sa mga Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda.
Si Ms Anabel naman ay nagmamantine ng rebisahan ng taya sa jueteng at bentahan ng shabu sa isa ring bahay sa Brgy. Pantay na Matanda.
Karaniwang bisita ang mga nasabing iligalista sa kanilang santuaryo ang ilang opisyal at miyembro ng Tanauan City Police Station Office, Philippine Drug Enforcement Agent (PDEA) at maging ng PNP Region 4-A Offfices operatives.
Lingguhan naman dumarating sa kanilang mga safe house ang intelhencia kolektor na sina alias Mike na pangalan ng isang alias Col. Franada ang ginagasgas, alias Kap na ang ipinangongolekta ay pangalan ni PBG Eliseo DC Cruz, alias Sgt. Adlawan na pangalan ng ilang opisyales ng NBI-Manila ang ipinangongolekta.
Parang ligal na rin sa nasabing siyudad ang operasyon ng kalakalan ng droga at jueteng pagkat simula nang maupo bilang alkalde ng nabanggit na siyudad si Halili na anak ng pinaslang na ex-Mayor Antonio Halili ay di naman nito napapahinto ang labag sa batas na gawain ng mga nasabing iligalista.
Ang iba pang jueteng operator con drug dealer saTanauan City ay sina alias Biskutso ng Brgy 7, alias Mayor Benir, Kon Angel, Ablao at Melchor ng Brgy. Darasa, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Jr. Biscocho, Lito ng Putuhan, ng Brgy. 7 at Konsehal Perez ng Poblacion.
Ang mga drug pusher con jueteng operator naman sa Brgy. Bagbag ay si Ocampo, Emil, Ramil, Aldrin ,Terio, Angke at Lawin ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy. Ulango, pawang ngTanauan City.
Walang puknat araw-araw ang operasyon ng jueteng gamit na front ang operasyon ng PCSO-sponsored Small Town Lottery (STL) na ideneklara na ni PCSO Chairperson at General Manager Royina Garma na iligal sa isang congressional hearing may ilang buwan na ang nakararaan.
Tiniyak din ni Garma na wala ang mga itong binigyan ng permiso o prangkisa para magsagawa ng loterya sa mga probinsya.
Ang di pagtalima ni LtCol. De Asis sa kanyang mandato na sugpuin ang droga ay tandisang paglabag sa 5-point agenda ng PNP na dapat na ipatupad nito bilang hepe ng kapulisan ng Tanauan City.
Liban sa pagsugpo sa illegal drug, ay kabilang din ang illegal gambling, terrorism, corruption at anti-criminality ang sentro ng kampanya ng kapulisan na di naman maayos na nagagampanan ni Ltcol De Asis.
Ayon sa mga nagrereklamong mga mamayan ng Tanauan City, ang talamak na operasyon ng STL con jueteng at drug pushing ng mga nabanggit na lady drug/gambling operators na nagpapakilala pang pawang mga amiga ni Mayora Halili, ay patunay na nagpapabaya si LtCol. De Asis sa kanyang tungkulin.
Sa karatig na bayan ng Malvar ang nag-ooperate ng jueteng ay sina Banog at Rico, sa Sto Tomas City ay sina Wally, Jun at Lito. Sa mga bayan ng Mabini, Bauan at San Pacual ay si Timmy, at sa Taysan ay sina Zalding Konti at Bedung.
Sa Padre Garcia, ay ang jueteng operator na sina alias Kap Tisoy at Kap Idol ang kinokolektahan ng mga nagpapakilalang intelhencia kolektor ng tanggapan ng General Cruz , isang alias Col. Franada ng CIDG at ng opisina ni Gov. Mandanas.
Sina KapTisoy at Kap Idol ay nagpapatakbo din ng kalakalan ng droga at burikian o paihian ng nakaw na petroleum product sa mga barangay ng Bawi at Brgy. San Felipe ng naturang paihian sa nasabi ring bayan na pinatatakbo ng mga kasosyo ng mga itong sina alias RR at alias Roy.
Humigit -pa sa 12,000 ang kubrador na umiikot sa buong Batangas, kaya ‘di nakakapagtakang sangkatutak din na mananaya sa jueteng ay mga mga drug addict na din at posibleng carrier ng nakakahawang COVID 19 sa naturang lalawigan.
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144,email: sianing52@gmail.com.
The post Tanauan City… kontrolado! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: