MASAKIT man sabihin.., subalit, sa pandemyang kinakaharap natin sa ngayon ay nilinlang ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) ang sambayanan sa pagsasabing SAFE ang covid vaccines , gayong sa kanilang inilabas na PUBLIC ADVISORY ay hanggang 2-taon oobserbahan ang lahat ng mga nabakunahan.
How come na nasabi nilang SAFE gayong oobserbahan pa pala sa loob ng 2-taon ang mga nabakunahan? Nasaan ang utak ng ating mga sinasabing henyo na nagkaroon agad sila ng konklusyon na SAFE ang bakuna, gayong oobserbahan pa pala sa loob ng 2-taon kung ano ang magiging epekto sa mga nabakunahan?
Tuwirang nagpagamit ang DOH sa dikta ng mga big time medical manufacturer sa pangangampanyang epektibo o mabisa at safe ang covid vaccines.., na walang humpay ang ginawang campaign advertisements upang mahimok ang lahat ng sambayanan na magpabakuna para magkaroon ng proteksiyon laban sa kinatatakutang covid-19.
Sa kabatiran ng sambayanan, ang DOH ay naglabas ng kanilang PUBLIC ADVISORY nitong August 21 sa kanilang OFFICIAL FB ACCOUNT patungkol sa kanilang pamantayan hinggil sa isinusulong ng ilang mga sektor na isagawa na ang BOOSTER SHOT dahil sa ibang bansa ay isinasagawa na ang gayong sistema.
“Since the vaccine were approved under EUA and long-term follow-up studies in the trials are still on going, data on the duration of immunity is subject to updating. Participants of clinical trials are monitored for up to 1 to 2 years to generate the complete clinical trial results,” bahagi ng nilalaman sa inilabas na Publc Advisory ng DOH hinggil sa PUBLIC ADVISORY ON THE CIRCULATING LENGTH OF IMMUNITY OF COVID-19 VACCINES.
Hanggang ngayon ay puspusan ang pangangampanya at panghihikayat ng GOVERENT OFFICIALS sa buong sambayanan na magpabakuna.., nariyan ang takutin pa ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE sa pagsasabing ipaaaresto ang mga ayaw magpabakuna at nariyan din ang restrictions na kung walang vaccination card o walang patunay na nabakunahan ay hinde makabibiyahe ang sinuman para makapunta sa ibang mga bayan.
Sistemang pamumuwersa ang ginagawa ngayon ng iba’t ibang LOCAL GOVERNMENT UNITS para magpabakuna ang sambayanan.., gayong nasa proseso pa lamang ng HUMAN TRIALS ang COVID VACCINES na ang tanging inilalabas na datos sa mga pagbabalita ay ang bilang ng mga nagka-covid; bilang ng gumaling; at bilang ng mga namatay. Iniuulat din kung ilan na ang nagpabakuna.., subalit walang datos na ibinabalita kung ilan ang dumanas ng adverse effect, ilan ang na-stroke at ilan ang naka-kompleto na sa 2 pagpapabakuna at nangamatay sa mga ito.
Sa mga datos ng mga namatay mula nang maka-2 bakuna ay ilan sa mga ito ang namatay dahil may taglay nang dating sakit at ilan sa mga ito ang namatay gayong wala silang taglay na sakit at malusog ang kanilang pangangatawan bago nabakunahan? Subalit, walang ipinapakitang datos patungkol dito ang DOH at sa halip ay ikinakatuwiran ng mga ito na may taglay na sakit ang mga namatay matapos makakumpleto sa pagpapabakuna.
Hinde ako doktor pero mayroon tayong taglay na pag-iisip, lohika at pag-aanalisa.., na mayroon mang taglay na karamdaman ang nagpabakuna pero nananahimik lamang sa loob ng katawan ang virus o ang taglay na karamdaman na posibleng magising o maging aktibo ang sakit ng katawan sa loob ng 5 taon o higit pa.., pero inineksiyunan mo ang tao, pumasok ang foregin chemical sa loob ng katawan ang siyang magiging dahilan para magising ang nananahimik pang taglay na virus sa loob ng katawan. Resulta, magsasalpukan ang dating virus at ang foreign chemical.., kaya nagreresulta sa stroke o pagkamatay sa nabakunahan.
Huwag ikatuwiran ng mga doktor na kaya namatay ay dahil may taglay na dating sakit.., dahil ang ibinakuna pa rin ang nambulabog sa loob ng katawan na nagreresulta sa maagang pagkamatay at kung hinde sana nabakunahan ay maaaring mabuhay pa ng ilang taon bago lumala ang taglay na sakit.
Ang ARYA ay hinde kontra-bakuna.., ang kinokontra lang ay ang pamumuwersa ng LGUs na magpabakuna ang lahat gayong nasa EXPERIMENTATION STAGE pa lamang ang mga covid vaccines ay sinasabi nang SAFE ang mga ipinambabakuna…, kaya mag-isip muna ang sinuman bago isapalaran ang katawan sa ginagawang HUMAN TRIALS sa ngayon!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Covid vaccines; sambayanan nilinlang ng DOH! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: