Facebook

Pandemya at iba pa

TAHASANG nagpahayag ang tambalang Ping Lacson at Tito Sotto na lalahok sila sa halalang pampangluhan sa 2022. Huwag magkamali: Tatakbong pangulo si Ping Lacson at si Tito Sotto ang kanyang bise presidente. Huwag ninyo kaming tanungin ng matwid kung dapat ihalal ang tambalan na iyan. Hindi maganda ang aming alaala sa kanila.

Nagugunita namin si Ping Lacson na tumalilis, nawala, at nabalitaang nagtago noong 2009 dahil sa mga asunto at maniobra ng kanyang mga kaaway sa pulitika. Lumantad lamang noong 2010 noong pangulo na si PNoy. Nakabalik sa Senado nang mahalal muli noong 2013. Ngnut hindi naalis sa alaala ang kanyang pagkawala at pagtatago sa gitna ng laban.

Hindi maganda ang aming alaala kay Tito Sotto. Isa na yata sa pinabuwenas sa larangan ng pulitika. Kahit may kinalaman siya sa pagpapakamatay ng aktres na si Pepsi Paloma, hindi pa ginamit ng isyu ito laban sa kanya. Maaaring sa susunod kampanya. Hindi na naano lang ang kanyang suwerte sa pulitika. Abangan natin.

***

TULOY-TULOY ang hataw ng pandemya. Pataas ang bilang ng mga nagkakasakit ng Covid-19. Sumampa na sa mahigit sa 18,000 araw araw. Samantala, mabagal ang pagbabakuna sa mga mamamayan. Nasa 12% ng mga mamamayan ang nababakunahan. Sa bagal ng pagbabakuna, hindi kakayanin makamit ng bansa ang ipinangakong “herd mentality” sa taong ito. Kailangan umabot sa 70% ang mga nabakunahan.

Patuloy na umiikot ang puwet ng maraming local official lalo na ang mga alkalde ng mga siyudad at bayan at gobernador ng mga lalawigan dahil sa kakulangan ng supply na bakuna. Hindi nailatag mabuti ang anumang programa sa supply ng bakuna. Bukod diyan, maraming usapin sa pandemya ang hindi nahaharap ng mga opisyales. Kasama na diyan ang pagbibigay ng pangatlong bakuna bilang “booster shot.”

Iba ang hinaharap ni Rodrigo Duterte. Tila wala sa sarili, mas mayroon siyang opinyon sa iba’t-ibang personalidad na papalaot sa halalan sa 2022. Mas binigyan niya ng pansin ang underwear ng isang pipitsuging alkalde na nais lumaban sa pagka-pangulo sa 2022 kahit hindi handa at walang base ng suporta. Mas ginagawa niyang katawa-tawa ang sarili.

Mas abala siya sa pagtatanggol kay Francisco Duque III na naging larawan ng kapalpakan at at kapabayaan sa pagsugpo ng pandemya. Walang natutuwa sa mga dahilan ni Duterte. Kahit ipagmagaling niya na hindi niya bibitawan at pababayaan ang kalihim.

***

MALINAW na inilatag ni Sonny Trillanes ang mga gusto ng oposisyon sa 2022. Pangunahin ang pagsugpo sa pandemya at pagpapatigil ng korapsyon sa gobyerno na sa kanyang pagtaya ay umaaabot sa P1 trilyon kada taon ang nawawala sa kaban ng bayan. Hangarin ni Trillanes ang reporma sa PNP upang hindi ito maging kasangkapan sa pagpatay ng maraming mahihirap.

Hangad ng oposisyon, ayon kay Trillanes, ang pagbibigay ng maayos na edukasyon sa mga mamamayan. Kasama rin ang pagbibigay ng trabaho, pabahay, at serbisyong pangkalusugan sa kanila. Nais rin niyang habuilin ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Kay Trillanes, maririnig ang mga katagang “ipakukulong ko sila” tuwing tatanungin kung ano ang gagawin kay Duterte at mga kasapakat. Hindi siya nangingimi dahil buo ang kanyang loob. Hindi niya kinakatakutan si Duterte. Tama ang aming kaibigan na si Dante Zamora nang tawagin niyang “astig” si Sonny Trillanes.

***

MAY pahayag ang Akbayan Party List Group tungkol sa kapalpakan ng Philhealth sa kanilang relasyon sa mga pribadong ospital. Nagbabala ang asosasyong mga pribadong ospital na aalis sila sa kanilang kasunduan sa Philhealth kung hindi babayarin ang kanilang mga claim.

BUILD MORE BRIDGES, NOT WALLS
Akbayan Spokesman Dr. RJ Naguit on the Philhealth-hospitals row

Akbayan Partylist calls on the various leaderships of the Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth), the Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI), the Philippine Hospitals Association (PHA) and the Philippine Medical Association (PMA) to find a more constructive way around the current difficulties surrounding payment of claim issues. Amid a raging pandemic, we appeal to all parties to calmly sit down and find the necessary compromises in order to save lives.

We must build more bridges of cooperation, not walls. Huwag mag-sunugan, magtulungan. Walang mananalo dito, lahat talo; lalo na ang ordinaryong tao.

In the immediate term, Akbayan calls on the Philhealth to improve the efficiency of releasing claims to hospitals and clear all the backlog even as it increases capacity to investigate allegedly fraudulent claims. It should also seriously address the issues of corruption that have been hounding the agency and have resulted in decreased public confidence. We also call for the adoption of a standardized and real-time monitoring and accounting infrastructure across all hospitals in line with the rollout of the Universal Health Care (UHC) Law.

We understand that payment claims should be fair, transparent, and conducted with the highest levels of integrity. But Philhealth’s suspension of hospitals’ payment claims is a punitive measure that does not remedy the problem. It only breeds mistrust, it ignores larger, more systemic issues, and it does not result in better compliance to begin with.

We empathize with our doctors and hospitals who have already given so much during this pandemic. We acknowledge how such a circular can be interpreted as an attack on the way they do their jobs. However, disengaging from PhilHealth is likewise not the answer. Doing so will only place the burden of hospital payments squarely on the Filipino people, and this could not come at a worse time. Millions of Filipinos have lost their jobs even as the number COVID-19 cases continue to soar. Pulling the plug in the middle of a crisis will not only bring harm patients, it will also put additional risks to our health frontliners and push further the commercialization of our healthcare system.

Healthcare is already expensive as it is. A large chunk of the bill is paid from the pockets of families that are under severe economic hardship. We understand the call of the hospitals and the need for PhilHealth to exercise its regulatory functions but disenfranchising patients from accessing social insurance may be a literal nail in the coffin for those who need urgent medical care. We remind all parties of our collective responsibility to care for the sick and marginalized. We call on them to exercise the most compassionate action in a time when our healthcare capacity is once again put to the test.

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Pandemya at iba pa appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pandemya at iba pa Pandemya at iba pa Reviewed by misfitgympal on Agosto 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.