Facebook

Bong Go: Vaccine rollout, gawin sa ligtas na paraan

Ipinaalala ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga awtoridad, kapwa sa national at local level, na pamahalaan nang maayos, organisado, ligtas at nasusunod ang health protocols sa mga vaccination sites para maprotektahan ang mga nagpapabakuna.

“Hinihimok ko po ang gobyerno na patuloy nating pabilisin ang pagbabakuna sa ating mga kababayan upang agaran din nating makamit ang inaasam nating herd immunity sa paraang maayos at ligtas,” ayon kay Go.

“Ang pagbabakuna po ang susi upang matalo natin ang COVID-19 at makabalik sa normal ang ating pamumuhay. Pero gawin dapat ito sa maayos at organisadong paraan. Gusto nating maproteksyunan ang taumbayan gamit ang bakuna. Pero higit sa lahat, ayaw nating magkahawahan pa,” idinagdag ni Go.

Samantala, pinuri ni Go ang mataas na rollout ng national vaccination program. Hanggang nitong August 5, 2021, nasa 23,199,187 doses ng COVID-19 vaccines ang naituturok na.

Sa nasabing bilang, 12,493,997 indibiwal ang nabigyan na ng 1st dose habang 10,705,190 ang fully vaccinated na ng COVID-19 vaccines.

Nabatid na nitong August 5, umaabot sa 710,482 vaccine jabs ang naisagawa sa isang araw lamang, ang pinakamataas simula nang isagawa ang pagbabakuna.

“Masaya po tayo dahil nakikita naman po natin ang pagtutulungan ng lahat para mapabilis ang ating pagbabakuna,” ani Go.

“Kinokomendahan po natin ang gobyerno sa lahat ng mga pagsisikap nito. Pero nagpapasalamat din tayo sa mga Pilipinong nakikiisa sa ating laban kontra COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapabakuna,” idinagdag niya.

Kaya naman patuloy siyang nananawagan sa mga Filipino, partikular sa mga kuwalipikadong indibidwal na magpabakuna na para maprotektahan ang kanlang sarili at pamilya laban sa virus.

“Pakiusap po namin ni Pangulong Duterte sa inyo, lalung-lalo na po ‘pag pasok na kayo sa priority list, magpabakuna na ho kayo. Ito po ang ating proteksyon,” ani Go.

“Kung mahal n’yo po ang inyong mga anak, mahal n’yo po ang inyong mga pamilya, pakiusap ko lang po sa inyo, magpabakuna na ho kayo. Libre naman po ito. Inuuna namin palagi ang kapakanan ninyo,” anang pa ng senador.

The post Bong Go: Vaccine rollout, gawin sa ligtas na paraan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Vaccine rollout, gawin sa ligtas na paraan Bong Go: Vaccine rollout, gawin sa ligtas na paraan Reviewed by misfitgympal on Agosto 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.