Facebook

Buenos Diaz!

MAGANDA at mapalad ang ika-26 ng Hulyo 2021 sa atin. Nakamit kasi ni Hidilyn Diaz ang kauna-unahan nating medalyang ginto sa Olympiada.

Bukod diyan sa parehong araw pero taong 1969 naman nang koronahan si Gloria Diaz bilang Miss Universe. Siya rin ang kauna-unahan nating nanalo ng titulo.

Buenas ang mga Diaz sa araw na yan. Swerte ang Pilipinas sa dalawang Diaz.

Sana lang maiabot sa lalong madaling panahon kay Hidilyn ng mga gantimpalang naipangako at nailathala na ipagkaka;oob sa kanya. May ulat kasi na hindi raw natanggap ni Onyok Velasco ang mga ibang premyo nang nakasungkit siya ng silver sa Olympics may mahigit dalawang dekada na ngayon.

Aba, mga P40 M na cash at hindi mabilang na mga libreng produkto at serbisyo ang naanunsyo na para sa ating weightlifting champion. Hindi biro ang pinagdaanan niyang hirap para maabot ang tagumpay.

Sinariwa ng taga-Zamboangang Pinay ang kanyang journey mula pagbubuhat ng tubig sa kanilang lugar hanggang sa mapagwagian niya ang gold sa Tokyo. Ito ay nang makapanayam siya ni Busy Presidente sa programa sa DZXL ng RMN nito lang linggo ng umaga.

Mula pa 2017 ay bahagi na si Hidillyn ng mga kampeon ng Istorya ng Pag-asa ng OVP. Nandoon pa tayo mismo sa Cuneta Astrodome nang pormal na inilunsad ang proyekto. Kasama natin si Ka Atong nang makausap at makapagpakodak sa kanya.

***

Nagdedebate hanggang ngayon sa pondahan sina Tata Selo at Ka Berong hinggil sa paglipat ni Russell Westbrook sa Lakers.

Pabor si Tatang sa hakbang na yan nguni’t taliwas sila ng opinyon ni Kaka.

Para kay Ka Berong ay hindi bagay si Westbrook sa koponan ni LeBron James dahil pareho silang ballhawk. Kailangan nasa kamay nila ang bola sa medyo mahabang sandali upang maging epektibo. Sino ngayon ang mag-give way sa dalawa?

Higit daw sana na mas maganda kung si Chris Paul ang nakuha. Beterano at natural na point guard. Hindi rin kailangan ng maraming segundo na tangan ang leather na magiging Wilson na sa parating na season.

Inaasahan naman ni Tata Selo na makakapag-adjust sila kapwa sa ikakatagumpay ng prankisa. Isa pa ay mas magtatagal pa raw na assest si Russell kaysa kay King James dahil mas bata ito. Si Paul dangkasi’y kasing edad ni LBJ.

Pareho nman sila ni James na maaari na mag lob pass kina Anthony Davis at sa sino mang sentro ang kasabay sa loob.

Mapalad din daw ang West sa Los Angeles. Mangyari si Jerry West ay dating Laker. Kampeon ang nasa logo ng NBA bilang basketbolista at ehekutibo ng koponan ng Hollywood.

Matatapos lang ang pagtatalo ng dalawa sa pondahan sa dulo ng season. Kapwa may mga katwiran. Resulta na lang ang makakapagpatunay kung sino ang tama. Hehe.

The post Buenos Diaz! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Buenos Diaz! Buenos Diaz! Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.