Facebook

Danao tagilid sa PNP chief dahil talamak ang 1 – 40 peryahan ng bayan sa NCR

ILANG taong matunog na matunog ang pangalan ni Major General Vicente Danao Jr. na susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).

Hanggang nitong bago maging PNP Chief si General Guillermo Lorenzo Eleazar ay kasama pa rin ang pangalan ni Danao sa papalit sana noon kay General Debold Sinas.

Pokaragat na ‘yan!

Hindi nakamit ni Danao ang posisyong matagal na niyang inaasam na ibigay sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Duterte ay matagal na naging amo ni Danao, kaya ang pagkakaalam ng marami ay napakalakas ng heneral sa pangulo.

Ngayong malapit na ring matapois ang termino ni Eleazar sa PNP, tiyak umaasa si Danao na sawakas ay siya na rin ang makapuwesto sa pinakamataas na posisyon nsa PNP.

Hindi na sigurado ngayon, ayon sa tatlong sources ko.

Mukhang nawala na ang lakas ni Danao kay Duterte.

Kung masusunod ang anak ni Duterte na si Mayor Sara Duterte – Carpio, heneral mula sa Batch 1989 ng Philippine Military Academy (PMA) ang susunod na PNP Chief.

Ayaw na ayaw daw si Sara kay Danao!

Pokaragat na ‘yan!

Ang dahilan daw ay palpak si Danao sa kampanya sa iligal na droga at iligal na sugal sa National Capital Region (NCR).

Sa panahon niya ayt naglipana ang jueteng kung saan gamit ang Peryahan ng Bayan (PNB) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) tulad s Lungsod ng Caloocan, Quezon City at iba pang lungsod sa teritoryo ng Southern Police District (SPD).

Ang masama ay numerong 1 – 40 ang gamit ng mga gambling operators tulad ni alyas “Reyna” o alyas “Tita”.

Si Reyna ay siyang kolektor daw ng opisyal sa NCRPO.

Pokaragat na ‘yan!

The post Danao tagilid sa PNP chief dahil talamak ang 1 – 40 peryahan ng bayan sa NCR appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Danao tagilid sa PNP chief dahil talamak ang 1 – 40 peryahan ng bayan sa NCR Danao tagilid sa PNP chief dahil talamak ang 1 – 40 peryahan ng bayan sa NCR Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.