Facebook

2 kolektor patay nang kaladkarin ng trak

NASAWI ang dalawang kolektor ng isang lending company nang mabangga ng trak sa Makilala, Cotabato.

Kinilala ang mga biktima na sina Arson “Doydoy” Indigo Bacarisa, 30 anyos, residente ng Purok Bayabas; at Raffy Ratilla, ng Purok Mangosteen, Barangay Linangkob, Kidapawan City.

Ayon sa ulat ng Makilala PNP Traffic Division, papuntang Davao City ang trailer truck na minamaneho ni Dennis Villegas at aksidente nitong nabangga ang motorsiklo na sinakyan ng mga biktima na mula sa kabilang lane ng highway sa Sitio Flortam, Barangay Batasan, Makilala.

Nakaladkad pa ng 20 metro ang mga biktima na kaagad binawian ng buhay.

Sa pahayag ng mga residente, pumutok ang unahang gulong ng motorsiklo kaya bumangga ito sa kasalubong na trak.

Sumuko naman si Villegas sa pulisya.

The post 2 kolektor patay nang kaladkarin ng trak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 kolektor patay nang kaladkarin ng trak 2 kolektor patay nang kaladkarin ng trak Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.