Facebook

Mga pasyente karay-karay ang oxygen tank sa labas ng ospital sa Cebu

SA labas na lamang ng isang ospital nagpa-confine ang ilang pasyente at namataan ang mga ito na nakahiga at may kanya-kanyang mga oxygen tank sa Cebu City.

Ayon sa isang Facebook post, ang naturang pribadong ospital ay ang Chong Hua Hospital.

Sa ulat, sinabi ni Councilor Dave Tumulak na 31 pasyente ang nasa labas ng naturang ospital na nag-aabang sa bakanteng kuwarto.

Sa post, makikita na ang ibang pasyente ay nasa kanilang kotse na lamang, may nakakabit na oxygen sa labas ng sasakyan.

Sabi ng Konsehal, ilan sa nga pasyente ay nahihirapang huminga kaya mga naka-oxygen.

The post Mga pasyente karay-karay ang oxygen tank sa labas ng ospital sa Cebu appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga pasyente karay-karay ang oxygen tank sa labas ng ospital sa Cebu Mga pasyente karay-karay ang oxygen tank sa labas ng ospital sa Cebu Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.