Facebook

Prov’l coordinator ng isang partylist huli sa baril, bala at granada

SORSOGON CITY – Nasamsam sa loob ng bahay ng provincial coordinator ng Magsasaka Party List ang mga baril, bala at granada nang maghain ang mga awtoridad ng search warrant sa Noval Compound, Barangay Salog, Sorsogon, Lunes ng umaga, Agosto 2.

Sa ulat, subject sa warrant si Revor Jesoro Lasay dahil sa mga hindi lisensiyadong baril.

Ayon sa report, isang hand grenade, shotgun na loaded ng 5 bala, 3 kalibre 45 pistola at 6 magazines nito, 45 bala para sa shotgun at 128 bala para sa kalibre .45 pistola ang nakumpiska mula sa loob ng bahay ni Lasay.

Ayon sa hepe ng Sorsogon City Police Station na si Police Major Jeric Don Sadia, matagal na nilang minamanmanan si Lasay. Nakatiyempo sila nang makakuha ng witness, dahilan para makakuha sila ng search warrant mula sa RTC Br 53-Sorsogon City.

The post Prov’l coordinator ng isang partylist huli sa baril, bala at granada appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Prov’l coordinator ng isang partylist huli sa baril, bala at granada Prov’l coordinator ng isang partylist huli sa baril, bala at granada Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.