A leader is best when people barely know he exists, when his work is done, his aim fulfilled, they will say: we did it ourselves. — Anonymous
PASAKALYE:
Nagkakagulo na kung sinu-sino ang dapat na tumakbo bilang pangulo sa lslim bg iba’t I ang parti do at grupo sa darting na halalan sa susunod na taon. Hindi malaman kung sino sa ksnila ang tunay na magsisilbi para sa ating bansa o para lang ba manatili sa puwesto at kapangyarihan.
Hay nakuuuu! Baka naman ang ending ay sila-sila rin ang mauupo sa posisyon kaya nangabgambang walang magiging pagbabago at magpapatuloy ang korapsyon sa acting pamahalaan.
Sa ganitong kinabukasan, lalo nang nawawalang ng pag-asa ang mga Pinoy na magkaroon tayo ng pag-asenso at pag-unlad.
* * *
NAGPASARING ang anak ng nakakabatang kapatid ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa mga nadurog na pag-asa na kanyang pinunto sa mga pangakong inilahad sa simula pa lang ng panunungkulan ng dating alkalde ng lungsod ng Davao.
Hinayag ni Nuelle Duterte kung paano siya nagdadalamhati para sa mga taong nasa gobyerno na nagging optimistiko sa pamunuan ni Duterte na nagsabing hindi nila sana binulag ang kanilang mga sarili sa masasabing ‘incompetence’ ng dating alkalde at mga patayin sa Davao noong si Duterte ang ama ng lungsod.
Idinagdag pa ni Nuelle na iyo nga ang dahilan kung bakit mayroong #DavaoMyths hashtag, na kung saan dito makikita na ang mga propaganda tungkol sa Davao noong 2016 ay walang katotohanan.
Aniya: “I love Davao. It’s my place of birth and my hometown. When I moved away for the first time for my internship in Manila, I missed it so much; I joined a medical mission two months later just to be able to return.”
Subalit nang magbalik siya sa Davao, napagtanto niya nagging bulag siya sa mga taong nanunungkulan doon.
Kaya bilang huling salita, binatikos ni Nuelle yaong mga taong may pag-uugaling bulag sa pagsunod sa pamunuang babad sa matinding pagkakamali at kapalaluhan.
“Doon tayo sa non-fanatic thinking. And just because kamag-anak or kaibigan or ka-business partner natin ang makapangyarihan, hindi ibig sabihin we let them get away with shit. Self-interest above all isn’t a good life motto. It tends to backfire on you,” pagtatapos ng presidential niece.
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!
The post Bulag sa Pagsunod appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: