Facebook

Cindy halos totohanin ang sexy scenes kay Aljur

Ni WALLY PERALTA

UNANG nagpakita ng kakaibang lakas ng loob sa paggawa ng mapapangahas na eksena sa pelikula ang baguhang sexy actress na si Cindy Miranda sa gay themed movie nila ni Rhen Escano na ‘Adan’ at ngayon naman ay walang takot na lumaban nang sabayan sa pagpapaseksi si Cindy sa bago niyang movie na “Nerisa” kasama sina Aljur Abrenica, Elizabeth Oropesa, Bembol Roco, Sheree Bautista, AJ Raval at Sean de Guzman.  Ano kaya ang nagbigay ng lakas ng loob kay Cindy na gumawa ng isang super daring na movie na “Nerisa.”

“Kahit natatakot ako, I don’t show it kasi biggest break ko ito, e. I had to do everything na ipinagagawa sa akin,”  wika ni Cindy.

At sa mga nakaeksena na ni Cindy sa erotic scenes ay kay Aljur siya  kalmadong-kalmado. Bukod kasi sa alam ni Cindy na sanay ng gumawa si Aljur ng mga love scenes at nag-uusap pa silang dalawa kung anong atake ang kanilang gagawin lalo pa nga’t sinabihan sila ng kanilang direktor na bahala na sila sa kanilang diskarte.

Ano naman kaya ang say ni Cindy na sadyang tinodo na niya lahat ang sexy scenes nila ni Aljur?

“Mukang totoo. Feeling ko na-execute namin nang maayos kaya nga ang daming reactions. At natutuwa ako kasi at least lumabas naman makatotohanan sa mga mata ng mga manonood,” dagdag na say pa ni Cindy.

***

PARA sa mangilan-ngilan nating mga beteranang aktor ay isang malaking hamon sa kanilang karir ang pandemya. May mga ‘nagpahinga’ na muna pero ibahin ninyo si Gina Pareno, at age of 71 ay hataw pa rin ang kanyang byuti sa paggawa ng mga pelikula.

Hindi lang isa o dalawa kundi more movies pa siyang ginawa ngayong taon. Nakatapos na siyang gumawa ng tatlo at tatlo pa rin ang gagawin niya. At ayon sa beteranang aktres ay malamang na maka-anim na movie siyang magawa this year.

“Maski paano, nailawan ako, tuwa na ako. At saka, at least may inaasahan kang makakaarte ka,” sabi ni Gina.

Hindi naman kaya natatakot si Gina sa patuloy niyang pagtratrabaho lalo pa ngayon na naglevel-up pa ang pandemya sa bansa?

“Sumasampalataya ako kay Lord na hindi Niya kami pababayaan. Mahalin mo ‘yung trabahong ibinigay sa’yo ng Panginoon. Mahalin mo ang sarili mo, pero huwag ka namang napakayabang, kundi bigay ni Lord ‘yon. Mag-thank you tayo palagi. Maging mabait kayo sa mga tao,” sabi pa rin ng magaling na aktres.

May plano na kaya si Miss Gina na maglie-low na sa showbiz, at hindi na rin naman kasi siya bumabata. Ika nga, retirement from showbiz industry?

“Basta ako, go nang go. Gusto ko umarte nang umarte,” dagdag pa rin ni Gina.

The post Cindy halos totohanin ang sexy scenes kay Aljur appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Cindy halos totohanin ang sexy scenes kay Aljur Cindy halos totohanin ang sexy scenes kay Aljur Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.