Facebook

Sanya kinukuripot ang sarili para sa dream house; Ate Vi pinagpapahinga na ng netizens sa politics

Ni JOVI LLOZA

MASASABI na may na-achieve na sa buhay si Sanya Lopez.

Bakit tinitipid at nagkukuripot pala ito para sa sarili.

Mula nga raw nang nagsimula ito sa showbiz ay nag-ipon na ito at never daw itong naging bulagsak sa pera.

Kaya naman halos lahat ng kinikita nito sa showbiz ay sininop nitong huwag gastusan ang mga bagay na walang katuturan.

Kahit nga mismo si Sanya ay nagtipid sa sarili.

May mga gusto nga raw itong bilhin kaso iniisip nito kung kailangan ba niya talaga as in pinag- iisipan nito ang paggastos.

Kahit nga ang pagbili ng mamahaling bag at shoes ay never nagawa sa ni Sanya dahil iniisip nito ang kanyang dream house.

Minsan lang daw ito bumili ng mamahaling shoes na nagagamit naman nito pero minsan lang daw ‘yun.

At kungdi nga raw nito tinipid at nagkuripot sa sarili ay baka never nga raw nito maa-achieve ang kanyang dream house.

At the age of 24 ay may na-achieve na sa buhay si Sanya at may pinatunguan ang pera na kanyang pinaghirapan.

Dapat daw tularan si Sanya at sa murang edad ay mayroon na itong sariling bahay na galing sa kanyang paghihirap sa work.

Bonggacious!

***

SA post ni Lolit Solis sa socmed ay tungkol sa pagtakbo ni Vilma Santos sa pagka-Senador ang paksa.

Marami ang nag-react na netizens sa nabasa na pagtakbo ni Ate Vi sa mataas na posisyon.

Palitan nga raw sila ng mister na si Ralph Recto na from Senator to Congressman.

Never naman daw umunlad ang Batangas  kahit pa couple na ang nasa politics at sila lang ang umuunlad.

Simula naman nang maki-join sa pulitika si Ate Vi ay hindi na niya ito mabitaw-bitawan na tila nakasanayan na niya.

Ayon pa sa netizens na wala naman daw dapat pang patunayan si Ate Vi. Na-achieve na nga raw nito ang lahat ng tagumpay.

Hayaan na nga lang daw at ipaubaya na lang nito sa mister ang politics.

Mukha naman daw walang gagawin si Ate Vi sa Senado. Kaya nakiusap ang netizens na huwag na tumakbo pa sa mataas na posisyon si Ate Vi at magpahinga na nga raw.

Well, well, well…’Yun na!

The post Sanya kinukuripot ang sarili para sa dream house; Ate Vi pinagpapahinga na ng netizens sa politics appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sanya kinukuripot ang sarili para sa dream house; Ate Vi pinagpapahinga na ng netizens sa politics Sanya kinukuripot ang sarili para sa dream house; Ate Vi pinagpapahinga na ng netizens sa politics Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.