Facebook

Bianca nagulat na ginawang 3rd wife sa serye ng Siyete; Sanya bet makapareha si Solenn sa teleseryeng may temang katomboyan

Ni ROMMEL GONZALES

SA Legal Wives ay tatlo ang asawa ni Dennis Trillo (bilang Ismael Makadatu); sina Bianca Umali bilang Farrah Balindong, si Andea Torres bilang Diane San Luis at Alice Dixson bilang si Amirah Alonte.

Kung sa tunay na buhay, papayag ba si Bianca na mangyari sa kanya na maging isa sa mga legal na asawa ng isang Muslim?

“Siguro kung…nakadepende po yan sa kung gaano ko kamahal yung tao, and hindi po ako nagsasalita nang tapos and kung in the future ay hindi po natin alam ay makapagmahal po ako ng Muslim, I might be willing to go that far.

“And depende rin po sa set-up, depende po…hindi ko po masabi, pero I know that it will be hard pero I think na if my heart will be willing by then and kung worth it naman po, bakit hindi.”

Bago ginawa ni Bianca ang Legal Wives, may mga misconceptions ba siya, lalo pa at hindi naman talaga natin alam o wala namang mga nakahandang impormasyon na agad malalaman ang buhay at kultura ng mga Maranaw Muslims?

Ano ang mga misconceptions na ngayon ay mas naiintindihan na ni Bianca, na mas tama na ang pagkakaintindi niya?

“Honestly po sa akin, sa buong buhay ko so far, never naman po ako nagkaroon ng misconception about Islam, their culture or any other religion, but nung…I knew that it was something that was always sensitive and very controversial, kaya nung natahak ko po itong  journey ko bilang si Farrah sa Legal Wives, wala man pong na-correct na misconception sa akin pero mas na-amaze po ako sa dami ng natutunan ko.”

Samantala, noong una pala ay hindi alam ni Bianca na sa kanya ibibigay ang isa sa major roles sa Legal Wives.

“Noong sinabi po sa akin itong proyekto po na ito, wala po siya talagang…sinekreto po siya sa akin.

“In-announce po siya sa akin nung contract renewal ko po with GMA, with Artist Center and together with sila Ms. Annette po, sila Ms. Tracy and LGR, lahat po sila…after  ko pong makapirma sinabi po nila, ‘Congratulations ikaw na ang third wife’.

“Nung sinabi po sa akin yun honestly hindi ko po agad naintindihan, na paano pong third wife? Tsaka lang nila in-explain sa akin yung istorya at yung role, and no second thoughts at all.

“Masaya po ako and very thankful na napagkatiwalaan po ako again ng isa pang cultural drama, and I’m happy that after Sahaya, ito po yung ginawa ko and I’m proud of this.”

***

MAY tsansa na maging Kapuso si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at nais ni Sanya Lopez na makatrabaho ang beuty queen.

“Kung dito man siya sa GMA, excited ako kung makakatrabaho ko talaga siya. Kasi, number one, laging sinasabi ng mga tao na magkahawig daw kami.

“Even siya, parang nakaka-excite na ano kaya kung merong isang teleserye na gawin kaming kambal?

“Excited ako, kasi maganda siya, tapos na-excite ako dun sa kung paano niya dalhin kapag umaarte naman siya.”

Kaka-renew lamang ni Sanya ng panibagong kontrata bilang Kapuso.

May mga nakalinya ng proyekto para kay Sanya at tiyak na magugustuhan din ng publiko kagaya ng First Yaya.

May mga umaasa pa ngang magkaroon sana ng part two ang First Yaya, at baka maging First Lady na raw ang title nito.

“I’m sure yung magiging character ni Yaya Melody, mas nagiging challenging para sa kanya. Kasi, noong girlfriend pa lang siya, kung anu-ano ang nangyayari sa kanya.

“Ano pa kaya kung siya na ang First Lady? So, marami nang kaganapan, nagsisimula pa lang ang istorya,” pahayag ni Sanya.

Pero malayo sa papel niya sa First Yaya ang nais sana ni Sanya na gawin.

“Gusto kong i-explore yung lesbian. Meron akong ginawa pero isang beses lang…

“Pero gusto ko siyang i-explore, kasi feeling ko, hinahanap ko rin na, ano kaya ang pakiramdam what if ipinartner ka naman sa babae?

“Natsa-challenge din ako at gusto ko talaga, mga challenging roles din.”

Sino ang nais niyang makapareha sakaling mabigyan siya ng project ng temang lesbianism?

“Si Solenn [Heussaff]. Kasi wala lang, ang hot niya lang!

“Kasi, parang ang feeling ko, kaya niyang kumonek agad sa akin, e. So, siya yung nakikita ko.

“Si Glaiza de Castro, si Rhian Ramos kasi napanood ko na sila. Kaya parang what if sila naman yung ipinartner sa akin ng ganito? So, na-excite ako dun,” bulalas pa ni Sanya.

Lesbianism ang tema ng show nina Glaiza at Rhian noon sa  The Rich Man’s Daughter (2015).

The post Bianca nagulat na ginawang 3rd wife sa serye ng Siyete; Sanya bet makapareha si Solenn sa teleseryeng may temang katomboyan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bianca nagulat na ginawang 3rd wife sa serye ng Siyete; Sanya bet makapareha si Solenn sa teleseryeng may temang katomboyan Bianca nagulat na ginawang 3rd wife sa serye ng Siyete; Sanya bet makapareha si Solenn sa teleseryeng may temang katomboyan Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.