Facebook

Soliman bibida sa Cinemalaya indie

Ni ARCHIE LIAO

PARA kay Soliman Cruz, hindi dapat mawalan ng pag-asa kahit sa panahon ng pandemya.

Aniya, hindi raw niya inaasahan na in time of global health crisis ay doon niya makakamtan ang kanyang pangarap na magbida sa pelikula at mamayagpag internationally.

Si Soliman ay isa na ring international actor dahil bida siya sa pelikulang To The North na idinirihe ng Romanian director na si Mihai Mincan na ginawa niya sa Bucharest noong Marso sa kabila ng health restrictions.

Pagbabahagi niya, iba raw ang disiplinang natutunan niya sa paggawa ng nasabing obra.

Masusi raw ang pananaliksik ng team sa tema ng pelikula at mabusisi rin ang rehearsals nila bago sumalang sa actual shoot.

Napaka-propesyonal din daw ng kanyang mga kasama dahil hindi alintana ng mga ito ang nagyeyelong kapaligiran sa kanilang shooting.

Speaking of indie, muling magpapakitang-gilas si Soliman sa short narrative film na Pugon na kalahok sa Indie Nation category ng Cinemalaya 2021.

Ani Sol, malapit daw sa puso niya sa indie films dahil dito siya nakilala bilang aktor kaya lagi raw niyang babalik-balikan ang paggawa nito.

Nakaka-relate rin siya sa tema ng child labor sa pelikula ni Direk Gabby Ramos dahil siya man ay isang workaholic.

Dagdag pa niya, wala raw naman siyang nakikitang masama sa pagtratrabaho sa murang edad para lang matulungan ang pamilya lalo pa’t nasa kultura ng mga Pinoy ang pagiging mapagmahal sa kanilang angkan.

Kasama rin sa Pugon ang dating Viva hot babes at magaling na aktres na si Andrea del Rosario at introducing naman sina Jhassy Busran, Cassie Kim, at Bamboo B.

Ang Cinemalaya 2021 ay nakatakdang mapanood online mula Agosto 6 hanggang Setyembre 5 via streaming sa KTX.ph.

Si Soliman ay nakilala sa mga pelikulang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, Miracle in Cell No.7, Gusto Kita With All My Hypothalamus, Manila Skies, Norte: Hangganan ng Kasaysayan at marami pang iba.

The post Soliman bibida sa Cinemalaya indie appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Soliman bibida sa Cinemalaya indie Soliman bibida sa Cinemalaya indie Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.