Facebook

Fans ni Alex umalma sa pananaray ni Dina sa kanilang idolo; Mommy Pinty napaarte sa ‘Four Sisters And A Welding’ na spoof ng ‘Four Sisters And A Wedding’

Ni PETER S. LEDESMA

SOBRANG tagal na ng romance drama teleserye ng TV 5 na “P.S I LOVE YOU” na pinagbidahan nina Alex Gonzaga at Kean Cipriano noong 2011.

Kaya inaalmahan ngayon ng fans ni Alex si Dina Bonnevie na parte ng cast sa interview nito na mapapanood sa Youtube Channel ni Allan Diones na paulit-ulit na lang na tinatarayan ang idol nila na hindi naman totoong nag-primadona sa set, at never namang nagsalita si Alex na isusumbong niya si Dina sa kanyang Mommy Pinty nang komprontahin ang beteranang aktres sa set ng P.S I LOVE YOU.

Sabi pa nito ay hindi siya natatakot sa Mommy nito. May pinag-aralan naman daw ang aktres pero bakit nakapagsalita siya ng ganito na minamaliit pang masyado ang pagiging artista ni Alex. Press release kasi ni Bonnevie ay pinag-antay raw siya sa set ni Alex samantalang ang totoo ay ‘yung production ng Viva ang may mali o kasalanan na dapat ay after lunch pa ang calltime ni Dina pero natawagan siya nang maaga.

Saka noong inoffer ng Viva kay Alex na siyang line producer ng serye ay malinaw sa kanila na after ng taping ni Alex sa top-rating showbiz talk show nito noon na “Juicy” sa TV 5 siya makararating sa kanilang taping ng P.S I LOVE YOU.

Sa rami ng mga sinabi at akusasyon ni Dina,  never na nagpainterbiyu si Alex at si Mommy Pinty pero syempre hindi maiiwasan na sumama talaga ang loob ng mag-ina sa mga pinagsasabi ng aktres laban sa kanila lalo na kay Alex na mahal na mahal nina Mommy Pinty at Daddy Carlito at ng sister nito na si Toni Gonzaga-

Soriano.

Saka kita niyo sa pagda-down ni Dina kay Alex, na wala itong mararating, nasaan na si Alex at siya? Si Alex itinanghal na “YOUTUBE SUPERSTAR” at umabot na sa 1 billion views ang mga upload views  at meron ng mahigit 11 million na subcribers sa kanyang YT Channel na ALEX GONZAGA OFFICIAL. At napaka-indemand din na product endorsers nito. Tama nga ang kasabihang “Don’t Judge The Book by it’s Cover” at dapat alam ‘yan ni Ms. Bonnevie.

***

DAHIL nasa 4th year na ang Vlog at Youtube Channel ni Alex Gonzaga na patuloy na umaani ng tagumpay, napapayag ni Alex ang sikat din sa social media mother na si Mommy Pinty para mag-join sa cast ng ginawa nitong spoof ng Four Sisters And  A Wedding na ang title ay “Four Sisters And A Welding.”

At hindi basta-basta ang role ni Mommy Pinty sa JefFlix movie kundi ang character mismo ni Coney Reyes ang kanyang ginampanan na in all fairness ay nabigyan naman niya ng justice ang role na maging nanay ng apat na character na kinabibilangan ng daughter na si Alex, Donnalyn Bartolome, Zeinab Harake, at ang bestfriend ni Alex na si Michelle.

Pero ayon pa kay Alex, ilang months niyang cinonvince si Mommy Pinty bago niya ito mapapayag na umarte sa harap ng kamera. Biro namin kay Mommy Pinty ay sana tuluy-tuloy na ang pag-arte niya at tumanggap na ng project. Pero sagot nito sa amin ay sapilitan lang daw talaga ‘yun at para kay Alex sa anniversary ng Vlog nito. Infairness in just one day ay humamig na sila ng 4.5 million views and as of 11:30 PM nitong July 31 ay nasa 5M views na ito sa YT Channel ni Alex. At hindi lang ‘yan no.1 trending pa ang Four Sisters And A Welding sa social media.

Ang ganda naman kasi at sobrang nakaaaliw itong panoorin. Pinasalamatan din pala ni Alex ang director nila sa project na si Fifth Solomon na longtime friend niya. Also her tito Jojo (brother ni Mommy Pinty), Ate Nene, at handler na si JC Baguio. Pwede na palang bumuo ng isang mainstream movie ang team ni AG.

The post Fans ni Alex umalma sa pananaray ni Dina sa kanilang idolo; Mommy Pinty napaarte sa ‘Four Sisters And A Welding’ na spoof ng ‘Four Sisters And A Wedding’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Fans ni Alex umalma sa pananaray ni Dina sa kanilang idolo; Mommy Pinty napaarte sa ‘Four Sisters And A Welding’ na spoof ng ‘Four Sisters And A Wedding’ Fans ni Alex umalma sa pananaray ni Dina sa kanilang idolo; Mommy Pinty napaarte sa ‘Four Sisters And A Welding’ na spoof ng ‘Four Sisters And A Wedding’ Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.