Facebook

Lacson Family super saya ng Sunday bonding

NAKATUTUWA ang Lacson family dahil kahit gaano sila kaabala sa kanya-kanyang buhay, nagagawan pa rin nila ng paraan na magkita-kita kahit minsan lang sa isang linggo.

Gaya nitong nakalipas na Sunday, magkakasama ang mga anak at apo ni Sen. Ping Lacson para sa isang bonding.

Naroon ang panganay ni Sen. Ping na si Reginald, Ronald (chief of staff ng kanyang ama sa senado), Panfilo Jr. (asawa  ni Iwa Moto) at Jeric (bunso).

For sure super saya ng pamilya sa pagsasama-sama nila lalo na ang nasabing senador at ang misis nito.

Hindi pa man pormal na pinag-uusapan, tiyak na aprubado sa mga anak ni Sen. Lacson sakaling ihayag na niya ang pagtakbong pangulo ng bansa sa 2022 katandem si Sen. Tito Sotto bilang bise presidente.

Samantala, sinabi naman ni Bossing Vic Sotto sa 42nd Anniversary ng Eat Bulaga na suportado nila si Tito Sen kung anuman ang tahakin nito sa eleksyon.

And for sure ‘pag kumpirmado na ang tambalang Lacson-Sotto sa pambansang halalan ay nasa likod nila ang buong Dabarkads at ang mas nakararaming Pinoy. (Blessie Cirera)

The post Lacson Family super saya ng Sunday bonding appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lacson Family super saya ng Sunday bonding Lacson Family super saya ng Sunday bonding Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.