Facebook

Pilipinas pangalawa sa kulelat…

PANGALAWA daw umano sa kulelat ang Pilipinas sa larangan ng pamamalakad at stragediya sa pagsugpo ng virus na dulot ng Covid-19.

Ito ay ayon daw sa international survey na nagpa-pakitang pangalawa sa kulelat ang Pilipinas sa hanay ng 68 bansa sa pamamaraan kung papaano susugpuin at papaano huwag itong kumalat pa.

Dapat daw ay tayo ang nasa bottom-line ngunit sa kasalukuyan ay Indonesia na ang pumalit sa atin sa huling slot dahil sa hindi inaasahang pagkakataon.

Kasama na daw dito sa survey na ito kung papaano ipatupad ng gobyerno ang pagsunod sa mga health protocol, ang pagtatalaga ng status ng mga community quarantine, ang agarang pagpapabakuna ng mamamayan na dapat sana ay gampanan ng ating gobyerno.

Apektado rin daw dito ang ekonomiya dahil sa mga pagkukulang na ito ng administrasyon na dapat pina-panatili nila ang pagkalat ng nasabing virus.

Dapat din daw sana na humanap ang gobyerno ng right choice ng mga tao na kanilang itatalaga upang mapag-aralan mabuti ang alituntunin laban sa virus.

Mas mainam daw kung mga health expert at professional sa larangan ng siyensiya at kalusugan ang pamahalain nito at hindi mga dating henetal at pulitiko.

Ayon kay Propesor Solita Monsod, wala daw target at given time ang gobyerno kung kailan nila mareresolba ang problemang ito na lubhang iniinda ng marami nating mamamayan.

Wala daw itong pinagkaiba sa war on druds ng administrasyon na susugpuin gaw nila sa loob ng anim na buwan ngunit limang taon na ang lumipas ngunit nandyan pa rin.

Sa lahat aniya ng mga problemang kinakaharap ng ating bansa, dapat aniya ay may specific at definite time silang naka-set upang matuldukan at maresolba ito.

Hindi daw dapat nababali ang salita at utos ng hari gaya halimbawa noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na kung saan isang tao lang ang inaresto ay natapos ang problena sa droga.

Ang taong ito ay si Lim Seng na isang manufacturer at distributor sa buong bansa ng heroina o opiyo kung ito ay tawagin noong araw. Siya ay sinintensiyahan na mamatay sa pamamagitan ng firing squad, he… he… he…

Magmula noon ay wala ng lumabas at mabiling heroina sa kalte at merkado. totally naresolba ang problema, di po ba?

Kung sa bagay ay martial law noon ngunit martial law man o hindi ay wala rin naman pinagkaiba sa panahon natin ngayon, nasa liderato natin ang pamamalakad.

Eh sa kasalukuyan panahon natin ngayon ay tyon at iyon din ang problema, higit-kumulang na sa 10,000 tao na ang namatay o pinatay ngunit wala ring nangyari, bakit kamo? Dahil puro nakaapak at nakatsinelas lang ang mga namatay.

Kailangan kasing makita ng bayan na seryoso at may isang salita ang liderato sa lahat ng kanyang sinasabi. Noon panahon kasi ni Marcos ay may kaganapan ang lahat na maging sa kriminalidad ay may hangganan tulad ng apat na umanoy mga rapist na namatay lahat sa silya elektrika, no questions asked. Aba sitempre titino at titino ang maski na sino. di ba?

Eh abogado rin naman ang kasalukuyang liderato natin at hindi arkitekto o inhinyero na puro drawing lang ang ginagawa, komiks at fairy tales ang katapat niyan.

Sa panahong ito ng pandemya kasama na tin ang kung ano-anong problema ng bansa, ibahin naman sana ng gobyerno ang drive at istilo nila dahil walang nababago, paulit-ulit lang pero nandoon pa rin ang problema. Kaganapan ang kailangan at hindi puto salitaan.

Urong-sulong pa rin tayo… ECQ, MCQ, MCQC at kung ano-ano pang sangay ang nadagdag ngunit iyon at iyon din ang problemang kinakaharap. Bakit di naman natin subukan ang barb-Q, banana-Q at kamote-Q… he… he… he… joke joke lang.

The post Pilipinas pangalawa sa kulelat… appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pilipinas pangalawa sa kulelat… Pilipinas pangalawa sa kulelat… Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.