Facebook

For your eyes only Gen. Eleazar!

NGAYONG araw na ito, atin pong tatalakayin ang matinding katarantaduhang nakakapangyari sa lungsod Quezon na ipinarating sa inyong lingkod ng isang concerned citizen ng siyudad at ilalathala po natin ito entoto upang personal natin maiparating sa mabunying hepe ng Philippine National Police (PNP).

Magandang araw po sa lahat nais po sana namin ipag bigay alam ang talamak na pasugal ni Baby Tisay Pery kabayo at Boyong sa QC kasama po sa grupo nila sila Carlo Dong Bayer Boby Kalayaan Pinong LM Pining Cynthia at Ret.Col Magdaluyo ang pasugal na ez2 loto peryahang bayan online jueteng kaya po di sila matibag may basbas sila sa taas CIDG,Karingal,NCRPO,DILG, qcpd station cityhall bicutan at lahat ng pulis station sa qc si alyas ramil,renel at jesie baba ang taga hatid ng wekly DD 250K KARINGAL 250K NCRPO 250K QCPD STATION 120K C.HALL 100K CONG.LUDOVICA 80K KONSI.FRANCISCO 50K OFFICE OF THE MAYOR 220K BICUTAN 300K PCSO GM 150K sana mabigyan sila pansin kawawa ang mga legal na lotto outlet namin nung ncrpo palang si sir elleazar napahinto nya yan.

Kung sisipating mabuti at pag-aaralang natin ng lubos ang mga impormasyong inilahad ng ating source tungkol sa operasyon ng illegal gambling sa Quezon City,mukhang bukol ang inaabot ni Honorable QC Mayor Joy Belmonte sa mga katarantaduhang ito na nagaganap sa kanyang bakuran.

Part 1 pa lamang ang mga iyan dear readers at ongoing pa po ang imbestigasyon natin patungkol dito.

Naniniwala tayo na may katotohanan ito at dapat ding ma-validate ni Gen.Eleazar ang mga pangalang nabanggit pati na rin ang amount ng payolang regular na umiikot at ipinaparating sa mga nabanggit na personalidad.

Naniniwala din tayo sa integridad ni Eleazar at umaasa tayo na sa sandaling makita ito ng heneral ay kapagdakang magsagawa ng kaukulang aksyon dito lalo na sa Perry Kabayo na ito na nagyayabang na kumpareng buo umano nito at sanggang dikit ang hepe ng PNP.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post For your eyes only Gen. Eleazar! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
For your eyes only Gen. Eleazar! For your eyes only Gen. Eleazar! Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.