Facebook

Operasyon ng jueteng sa Oriental Mindoro may basbas?

DAPAT tutukan ng Police Regional Office 4B (PRO4B) ang malawakang operasyon ng illegal gambling sa rehiyon ng MIMAROPA partikular sa lalawigan ng Oriental Mindoro bunga ng lantarang pangungubra ng mga illegal number games na sinasabing may bendisyon ng isang mataas na opisyal ng nasabing lalawigan na tumatanggap ng P4-Milyon kada buwan bilang payola mula sa jueteng operator/lord.

Base sa impormasyong nakalap ng BALYADOR, kahit mayroong ligal na operasyon ng Peryahan ng Bayan (PnB), ito ang ginagamit na front ng illegal number games mula 1-40 na may dalawang resulta sa isang araw, isa sa umaga at isa sa gabi na bino-bolo sa pamamagitan umano ng “holen” at sinasabing hindi kailanman naipatigil ang operasyon ng jueteng dahil sa basbas ng isang mataas na opisyal na siyang nagbibigay ng ‘’go signal’’ sa naturang sugalan sa gitna ng pandemya.

Nabatid na kahit 11 kubrador na ang naaresto ng CIDG-4B na nagpapataya ng jueteng ay tuloy parin umano ang pamamayagpag ng operasyon sa ilang munisipalidad ng Oriental Mindoro na nasasakupan ng 1st at 2nd district dahil mismong lokal na opisyal ang umanoy protektor ng illegal gambling na tahasang sumusuway sa Executive Order No.13 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at “marching order” ni DILG Sec Eduardo Año maging ang kautusan ni PNP Chief, Guillermo Eleazar.

Bunga nito, sinabi ng source na dapat paimbistigahan ni PBGen Nelson Bondoc, regional director ng PRO4B, ang malawak at hindi maipatigil na operasyon ng illegal number games dahil sinasabing tumatanggap ng payola ang ilang tiwaling lokal na opisyal na sinasabing kakambal ng jueteng ang iligal na droga na malala din sa nasabing probinsiya.

Ayon sa source, kabilang sa mga bayan na sobrang talamak ang jueteng ay ang bayan ng Puerto Galera, Baco, San Teodoro, Naujan, Victoria, Socorro Pola, Pinamalayan, Bansud, Bongabong, Mansalay, Gloria, Roxas, Bulalacao at Calapan City.

Dagdag pa ng source, kahit sinong Herodes ang tatanu­ngin, walang maniniwala na hindi umano namantikaan ang bibig ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor?

Infairness kay Gob Dolor, kilala ko ang pagkatao nito at alam ko na ”LAPAT SA TAO AT TAPAT SA SERBISYO” ang mamang ito dahil TOP 1 best performing governor sa MIMAROPA region at TOP 6 best performing governor sa buong Pilipinas.

Pero….,kung magsasawalang kibo si Gov Dolor at walang gagawing aksyon sa pamamayagpag ng operasyon ng jueteng sa kanyang lalawigan, baka totoo nga ang sumbong at tsismis na namamantikaan na ang nguso nito?

Nagtatanong lang po!

Subaybayan!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post Operasyon ng jueteng sa Oriental Mindoro may basbas? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Operasyon ng jueteng sa Oriental Mindoro may basbas? Operasyon ng jueteng sa Oriental Mindoro may basbas? Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.