
TATLONG ahensiya ng gobyerno ang nangangalaga sa “peace and order” at sumusupil sa lahat ng uri ng iligal.
Ito ay kinabibilangan ng Provincial Government, National Bureau of Investigation (NBI-MIMAROPA) at Regional Police Office (PRO-MIMAROPA).
Ang mga yan ay pinamumunuan nina Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor, NBI-4B Regional Director Rommel J. Vallejo at PRO4B Regional Director PBGen Nelson Bondoc.
Base sa ating classified info na natanggap, basura lamang umano para sa mga opisyal na nabanggit ang Executive Order No.13 ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte maging ang ‘marching order’ ni SILG Eduardo Ano at PNP chief, Director General Guillermo Eleazar na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno at kapulisan na tumanggap ng pabor (financial favor/payola) mula sa mga iligalista partikular na sa mga operators ng illegal gambling.
Ayon sa source, wala umanong sira ulong nilalang ang maniniwalang walang ‘pakinabang” na nakukuha dito ang mga ibinulgar na personalidad?!
Sa gitna ng suliranin kung papaano maitawid ang pang-araw-araw na pagkain lalo na yong mga nawalan ng trabaho at pangkabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic ay lantaran naman ang pamamayagpag ng operasyon ng jueteng na nagkukubli sa Peryahan ng Bayan (PnB).
Ayon sa mga residente kinokondena nila ang presensiya ng sugal na jueteng sa lalawigan ay walang naging aksyong dito sina Gob Dolor, NBI-4B RD Vallejo at Gen. Bondoc na hindi na kinonsidera ang kapakanan ng mga mamamayan nito na itinutulak ng mga gambling operators sa bisyo ng pagsusugal.
Napakatahimik at progresibong pamamayanan ang Oriental Mindoro kung kaya’t hindi katanggap-tanggap sa sektor ng simbahang Katoliko ang naging pagkupkop ng mga nabanggit na opisyal sa operasyon ng jueteng sa lalawigan.
Panawagan ng mga residente sibakin sa puwesto sina NBI-4B RD Vallejo at Gen. Bondoc dahil sa dereliction of duty at gross misconduct dahil sa pagpapabaya at pagbibigay umano ng proteksyon sa iligal na sugal na jueteng na pinamamahalaan diumano ng GLOBAL TECH namay prangkisa sa Pangasinan.
Ngunit kung babanatan ng DILG at PNP ang mga chief of police, provincial director marapat na unahing patawan ng parusa at indefinite suspension ang mga Barangay Chairman at Mayor sa Oriental Mindoro.
‘Yan ay kung true to their words itong Executive Order No.13 ni Pangulong Rodrigo Duterte at “marching Order” nina SILG Eduardo Ano at PNP Chief Guillermo Eleazar. Peryod!
At sino naman itong mataas na opisyal sa Oriental Mindoro na sinasabing tumatanggap ng P4-milyon bilang PAYOLA kada buwan mula sa jueteng operator/lord?
Subaybayan!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!
The post EO No.13 ni Pangulong Duterte dedma sa Oriental Mindoro? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: