Facebook

BONG GO NANATILING NAKATUON SA PAGTULONG

Nangunguna man si Senator Christopher “Bong” Go sa mga pinagkakatiwalaan ngayon sa hanay ng Senado sa larangan ng “overall trustworthiness” base sa isinagawang survey ng Publicos Asia mula sa 1,500 registered voters ay nananatiling nakatuon pa rin ito sa pagtugon para sa pangangailangan ng mamamayan sa panahon ng kagipitan.

Ang Pahayag-Quarter 3 survey ay isang independyente at hinde kinumisyon sa isinagawang survey nitong July 13 hanggang 19, 2021.

Bunsod nito ay pinasalamatan ni Go ang sambayanan sa patuloy na pagtitiwala at pagbibigay suporta sa kaniya at sa Duterte administration.

“Maraming salamat sa mga kababayan nating nagtitiwala sa aking kakayahan at intensyon na mag-serbisyo ng tapat at lubos. Kayo ang nagsisilbing inspirasyon at lakas namin upang ipagpatuloy at paigtingin pa lalo ang serbisyo namin para sa kapakanan ng bawat Pilipino. Kami ni Pangulong Rodrigo Duterte, patuloy kaming magseserbisyo sa abot ng aming makakaya. Sa mga kasamahan ko, sana gamitin natin itong inspirasyon upang mas lalong pagbutihin ang ating serbisyo sa taumbayan bilang pagkilala sa tiwala na ibinibigay nila sa atin,” pahayag ni Go.

Sa gayunding survey ay nasa Top 3 si Go sa hanay ng mga Senador sa larangan ng overall rating at si President Rodrigo Duterte ay nagtatamasa pa rin sa lubos na pagtitiwala sa kaniyang performance ratings.

Sa pagpapasinaya ng 131st Malasakit Center sa DO Plaza Memorial Hospital, Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur ay naihayag ni Go na sa kabila ng mga survey result ay mas nag-aalala siya pangangailangan ng sambayanan sa panahon ng krisis.

“Ulitin ko lang po sa mga kapwa ko Pilipino, maraming salamat po sa inyong tiwala, at mas lalo pa po akong magsisipag na makapagserbisyo po sa ating kapwa Pilipino… pero importante po malampasan muna natin itong krisis dulot ng COVID-19. Unahin muna natin na malampasan natin itong krisis na ito. Pulitika, mamaya na po yan, bakuna muna bago ang pulitika, ‘yan po ang importante sa ngayon, ‘yan po ang inaantay ng Pilipino ngayon na makabalik tayo sa normal na pamumuhay,” pagpupunto ni Go.

Inilahad ni Go na ang pagtitiwala sa kaniya ng sambayanang Pilipino ang nag-uudyok sa kaniya upang ipagpatuloy ang kaniyang trabaho bilang Senador at tagapaglingkod sa bayan.

“Ulitin ko lang salamat po sa tiwala. Lalo akong gaganahan na magtrabaho, nakakawala po ng pagod. Sa totoo lang po, hirap kami ni Pangulong Duterte sa sitwasyon ngayon pero kapag nakikita po namin ang mga Pilipino na masaya — makapag-iwan man lang kami ng konting ngiti sa panahon ng kanilang pagdadalamhati — nawawala po ang pagod ko,” saad Go.

Sa katanungan kung siya ba ay tatakbo sa mataas na posisyo sa 2022 ay muling nilinaw ni Go na hinde umano siya interesado. Gayunman, pinasalamatan nito ang sambayanan dahil sa pagtitiwala sa kaniya at nanumpa itong ipagpapatuloy niya ang kaniyang trabaho bilang mambabatas at tagapaglingkod sa bayan.

“Pero let me repeat kung tungkol po sa pulitika, I am not interested. Count me out… alam ko po ang hirap ng trabaho ng isang pangulo, witness po ako dyan nakikita ko po si Pangulong Duterte, napakahirap po ng trabaho ng isang pangulo, napakahirap talaga. I leave my fate to God, I leave my fate to the Dutertes — kung anuman po ang maging desisyon nila suportado ko, and to the Filipino people… sa mga kapwa kong Pilipino na nagbigay sa akin ng pagkakataon na makapagserbisyo, kaya nagpapasalamat po ako sa inyo at hindi ko sasayangin ito,” paggigiit ni Go.

Binigyang diin ni Go na nakatuon ang kaniyang paggawa sa ikabibilis ng pagsugpo sa COVID-19 pandemic at sa pagtitiyak na maihatid ang serbisyo sa publiko ngayong higit na nangangailangan ng tulong ang sambayanan.

“Kami po ni Pangulong Duterte, hindi po namin sasayangin ang pagkakataon na makapagserbisyo lalo sa taumbayan. 24/7 po kami magtatrabaho para sa aming kapwa Pilipino… hindi namin sasayangin ang bawat oras, bawat araw, bawat minuto po na ibinigay nyo sa amin na makapagserbisyo po sa inyo,” pagpupunto ni Go.

The post BONG GO NANATILING NAKATUON SA PAGTULONG appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BONG GO NANATILING NAKATUON SA PAGTULONG BONG GO NANATILING NAKATUON SA PAGTULONG Reviewed by misfitgympal on Agosto 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.