Facebook

Col. Cansilao walang aksyon sa jueteng at droga sa Batangas?

ILANG buwan na ring nakapuwestong hepe ng Philippine National Police (PNP) si Colonel Glicerio Cansilao sa lalawigan ng Batangas, ngunit hindi ito agresibo sa pagpapatigil ng jueteng at iligal na droga.

Tiyak akong kahit sino sa inyo ay hindi makikipagtalo sa akin tungkol sa talamak, laganap at garapalan ang jueteng at iligal na droga sa Batangas.

At imposuibleng hindi ‘yan alam ni Colonel Cansilao.

Sa aking pagkakaalam, itinalaga si Cansilao sa Batangas upang labanan at sugpuin ang lahat ng iligal na gawain at negosyo tulad ng jueteng at iligal na droga.

Dahil hindi agresibo si Cansilao, hindi na rin agresibo ang liderato ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Provincial Intelligence Unit ng Batangas – PNP.

Sino ba ang hepe ng CIDG at hepe Intel ng PNP-Batangas?

Gusto siguro ni Cansilao, hepe ng CIDG at hepe ng intel ng PNP-Batangas na diretsong si General Guillermo Lorenzo Eleazar pa ang magtext sa kanila upang kumilos laban sa jueteng at iligal na droga.

Pokaragat na ‘yan!

Talamak sa Batangas ang jueteng na bookies ng small town lottery (STL) ang gamit, lalo na sa Tanuan City.

Malaganap, lantaran at garapalan, samantalang walang inisyung prangkisa ng STL ang Philippine charity Sweepstakes Office (PCSO), ayon sa tanggapan ng general manager nito na si Royina Garma.

Si alyas “E. Mabagsik” na ang lungga ay ang Lungsod ng Tanuan ay talamak, lantaran at garapalan ang pahuweteng o STL bookies sa maraming parte ng Batangas.

Ang kanyang rebisahan ay nakapuwesto sa Barangay Janopol sa Lungsod ng Tanuan.

Isiniwalat natin dito sa BIGWAS! kahapon ang ipinarating ng mapagkakatiwalaang source na ang mga kasapakat nitong alyas E. Mabagsik sa jueteng o STL bookies ay sina alyas “Ms. Anabel” ng Pantay na Matanda, alyas “Ms. Lilian” ng Brgy. Sambat at alyas “Ms Donna” ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda.

Pawang kababaihan, ngunit palaban sa iligal na negosyo.

Pokaragat na ‘yan!

Si alyas E. Mabagsik ang kinikilalang ‘reyna’ ng jueteng sa Batangas, partikular na sa Tanuan, ngunit walang aksyon ang liderato ni Colonel Cansilao.

Bakit?

Idiniin pa ng source na lumalabas umano ang pangalan ni alyas E. Mabagsik bilang “high-profile” na nilalang sa larangan ng iligal na droga.

Tapos, hindi pa rin umaaksyon si Cansilao, ang CIDG at intelligence unit ng Batangas?

Bakit nga ba?

Ayon pa sa source, si alyas E. Mabagsik at mga kaututang-dila nitong mga jueteng operator din na sina alyas Ms. Anabel ng Pantay na Matanda, alyas Ms. Lilian ng Brgy. Sambat at alyas Ms. Donna ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda ay kinukolektahan ni alyas “Father”, ang taong nagpapakilalang napakalapit at pinagkakatiwalaan at kolektor daw ni Gobernador Hermilando Mandanas.

Lingguhan daw ang paniningil ni alyas Father kkay alyas E. Mabagsik at sa mga kasapakat nitong jueteng operator sa Tanuan.

Maliban kay alyas Father, maging si alyas “Kap. Biskkotso” ay nangungolekta rin kay alyas E. Mabagsik at iba pang jueteng operators ng Tanuan.

Ngunit, hindi si Mandanas ang ginagamit ni alyas Kap. Biskkotso sa panghihingi nito ng lingguhang tara, kundi si Brigadier General Eliseo DC Cruz, ang regional director ng PNP-Calabarzon (cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Pokaragat na ‘yan!

Mayroon bang mga kolektor si Colonel Cansilao, ang CIDG at intelligence unit ng Batangas, kaya napakatahimik nila laban sa jueteng at iligal na droga?

Nagtatanong lang po.

Nabunyag na rito sa BIGWAS! kamakailan ang impormasyon ng ating source na itong si alyas Kap. Biskkotso ay jueteng operator din.

Ang rebisahan ng jueteng o STL bookies ni alyas Kap. Biskkotso ay sa Barangay 7, Poblacion sa Tanauan.

Tiniyak ng ating source na napakaraming kinolektahan nina alyas Father at alyas Biskkotso sa buong Batangas.

At karamihan sa mga jueteng operator ay pinasok din ang iligal na droga.

Kaya, idiniin ng source na mahirap itanggi ng kahit sino sa Batangas na talamak ang jueteng at iligal na droga sa lalawigan.

Kaya, si Colonel Glicerio Cansilao na ang magpapasya kung mananahimik at magpapabaya siya sa kanyang sinumpaang gawain, tungkulin at obligasyon sa PNP, sa mamamayang Filipino atr sa bansa.

Abangan kung kikilos si Cansilao o hindi.

The post Col. Cansilao walang aksyon sa jueteng at droga sa Batangas? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Col. Cansilao walang aksyon sa jueteng at droga sa Batangas? Col. Cansilao walang aksyon sa jueteng at droga sa Batangas? Reviewed by misfitgympal on Agosto 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.