Facebook

Libreng bakuna kontra Covid-19 handog ng Filinvest sa kanilang 15,000 employees

TUNAY na malaki ang naging epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa buong mundo.

Hinihiling ng krisis na ito na tayo ay manatiling alerto at mapagbantay sa lahat ng oras.

Hindi naman magtatagal ay muli rin tayong ligtas na makakabalik sa ating pang-araw-araw na gawain.

Maaari nating gawin ang ilang mga simpleng hakbang upang makatulong sa pagbagal ng pagkalat ng impeksiyon at protektahan, hindi lamang ang ating mga sarili, kundi maging ang ating mga pamilya, at ang ating mga komunidad.

Siyempre, kabilang sa mga epektibong hakbang na maaari nating gawin ay ang pagpapabakuna laban sa virus at pagsunod sa health & safety protocols.

Nakabibilib at maganda rin ang ginagawa ng ilang lokal na pamahalaan at pribadong sektor na magkasanib-pwersa sa kampanya kontra coronavirus.

Katunayan, sa Muntinlupa City, nagkaroon ng agreement ang local government unit (LGU) at ang Filinvest Development Corp. (FDC) para sa pagbabakuna ng 15,000 employees nito mula Luzon, Visayas at Mindanao, kasama ang mga drivers, security guards, at messengers.

Ayon kay Filinvest Land, Inc. (FLI) Director at Chroma Hospitality Corp. Senior Vice President Francis Gotianun, nakabili sila ng 100,000 doses ng Astrazeneca vaccines sa tulong ng LGU.

Bahagi aniya ito ng pagpapaigting ng FilVax program ng kompanya na inilunsad ng Filinvest at ng local government sa Festival Mall sa Alabang, Muntinlupa kamakailan.

Sa panayam ng inyong lingkod, sinabi ni Gotianun na bukas ang mega vaccination center sa nasabing mall hanggang Agosto 21 para sa administration ng unang dose.

Binanggit din ni Gotianun na muling bubuksan ang vaccination site sa Oktubre 19 para sa ikalawang dose hanggang sa maabot ang target at maging fully-vaccinated ang lahat ng mga Filinvest employees.

Nanawagan naman si Gotianun sa mga empleyado na may agam-agam pa rin o pag-aalinlangan sa pagpapabakuna na samantalahin ang pagkakataon na maka-avail ng libreng bakuna dahil lahat naman aniya ng mga vaccines ay dumaan sa masusing pag-aaaral at napatunayang ligtas gamitin.

Maliban dito, nakatakdang ilunsad ang iba pang vaccination centers sa Clark Airport, Pampanga at FDC-Misamis Power Plant sa Misamis Oriental kung saan inaasahang makakapag-rollout din ngayong buwan.

Dumalo naman sa ribbon-cutting ceremony sa Filinvest City si Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, FLI Chief Strategy Officer & Residential Business Head Tristan Las Marias, City Health Officer Dr. Juancho Bunyi, East West Banking Corporation Director & Special Projects Officer Isabelle Therese Gotianun Yap, at FLI Senior Vice President & Business Group Head for Mixed-Use & Retail Joselito Santos.

Sa totoo lang, kakaunti lamang ang mga kompanya sa bansa na nagbibigay ng libreng bakuna sa kanilang mga empleyado.

Mapapa-SANA ALL ka na lang talaga.

Kaya saludo po ako sa FDC at sa iba pang sister companies o subsidiaries nito.

God Bless at Mabuhay po kayo, mga bossing!

* * *

AT para naman sa inyong mga reaksyon, suhestiyon, reklamo, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at stay safe!

The post Libreng bakuna kontra Covid-19 handog ng Filinvest sa kanilang 15,000 employees appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Libreng bakuna kontra Covid-19 handog ng Filinvest sa kanilang 15,000 employees Libreng bakuna kontra Covid-19 handog ng Filinvest sa kanilang 15,000 employees Reviewed by misfitgympal on Agosto 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.