Facebook

Gov’t employee, tanod, 6 pa huli sa illegal logging

SWAK sa kulungan ang walo katao na kinabibilangan ng isang empleyado ng Local Government Unit (LGU), barangay tanod at 6 iba pa sa magkahiwalay na anti-illegal logging operations sa Gonzaga, Cagayan.

Kinilala ni Police Major Garry Macadangdang, hepe ng Gonzaga Police Station, ang mga nadakip na sina Jomar Fernando, fish vendor; at Domingo Gumarang, na nagtangka magpuslit ng ilang piraso ng kontrabandong kahoy, ngunit nasukol ng pulisya.

Nahuli rin sa tangkang pagbiyahe ng mga illegal na kahoy sina Samuel Saligan, kawani ng LGU Gonzaga; Johnny Dela Cruz, tricycle driver; Joel Irorita, magsasaka; Marlon Calibuso, brgy. tanod; Anthony Beltran; at Marvin Parcaso, pawang magsasaka at residente ng Gonzaga.

Isinakay ang mga nakumpiskang kahoy sa kulong-kulong na umaabot sa 170 piraso at nagkakahalaga ng P20,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705, Forestry Reform Code of Philippines, ang mga nadakip. (Rey Velasco)

The post Gov’t employee, tanod, 6 pa huli sa illegal logging appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gov’t employee, tanod, 6 pa huli sa illegal logging Gov’t employee, tanod, 6 pa huli sa illegal logging Reviewed by misfitgympal on Agosto 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.