NALILIGO sa sariling dugo at kapwa walang buhay nang matagpuan ang mag-asawa na pinagtataga ng sarili nilang anak na maghuramintado Martes ng madaling araw sa Bago, Cebu.
Kinilala ang mga nasawi na sina Virgilio , 76 anyos; at asawa nitong si Angela Nuñez, 75. Nadakip naman ang salarin na anak nilang si Joseph, 43, pawang residente sa Purok 2, Sitio Maihaw, Barangay Cogon, ng nasabing bayan.
Ayon kay Police Staff Sgt. Leliano Pepito, imbestigador sa Bogo Police Station, umaga ng Martes nang madiskubre ng barangay tanod na si Jose Camay ang duguan mga bangkay ng mag-asawa.
Sa ulat, madalas na nagwawala si Joseph at sinasaktan ang kanyang mga magulang lalo na kapag walang maibigay na pera sa tuwing nanghihingi ito.
Kuwento naman ng kapatid ni Joseph at mga kapitbahay, may problema sa pag-iisip ito.
Kasalukuyan nakakulongsi Joseph sa Bogo PNP at nahaharap sa kasong parricide.
The post Mag-asawa kinatay ng anak appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: