Facebook

Grupo ng masahista blacklisted sa vaccination

DISMAYADO ang grupo ng massage therapist nang ma-blacklist sila sa vaccination rollout dahil lang sa pagbibiro ng kanilang amo sa vaccination team ng Kidapawan City Health Office.

Sinabi ni Gerard Pandillion, may-ari ng Massage Spa at nasangkot sa gulo, naglakas-loob at umasa na maisingit ang kanyang 12 therapist sa pagpapabakuna dahil may mga comorbidities ang ilan dito at nabatid na delikado rin ang kanilang trabaho na iba-iba ang nakakaharap na tao.

Pinayuhan silang maghintay dahil may mga nakaiskedyul na bakunahan sa araw na iyon, subali’t sa pagpupumilit ni Pandillion ay nakapagbitiw ito ng salita sa isang staff ng ospital.

“Ahh, maski gamay lang sir singit, 12 lang man mi kabook, sa balay gani nila Mayor naay bakunahan,” na siya namang naging hudyat ng komusyon sa vaccination site.

Nilinaw ni Pandillion, joke lang niya ito, at wala naman aniya siyang intensyong ma-offend ang vaccination team.

Dahil sa kanyang naging pahayag ay pinag-antay, aniya, sila ng limang oras na hindi nila alam na blacklisted na pala sila.

Nang dumulog si Pardillion kay Kidapawan City Health officer, Dr. Jocelyn Encienzo, aminado itong hindi siya naging mahinahon sa pagharap dito rason para palabasin sila ng mga pulis.

Sinabi naman ni Mayor Joseph Evangelista na desidido ang pamunuan nitong kasuhan si Pardillion na nakuhanan ng video na nanggulo at nagbanta sa vaccination team.

The post Grupo ng masahista blacklisted sa vaccination appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Grupo ng masahista blacklisted sa vaccination Grupo ng masahista blacklisted sa vaccination Reviewed by misfitgympal on Agosto 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.