Facebook

4 MIEMBRO NG PAMILYA NAKATAKAS SA MASAKER, PAGKA-ABO!

MASUWERTE na nakaligtas sa kamatayan ang apat na miyembro ng pamilya nang pagsasaksakin ang mga ito ng manugang at sunugin pa ang bahay sa City Homes Subdivision, Barangay Langkaan 2 , Dasmarinas City, Cavite, Huwebes ng umaga.

Ang mga biktima na nagtamo ng mga saksak ay kinilalang sina Henry Basilla, 56 anyos; kanyang mga anak na sina Danica, 20; Alvin, 4; at Henry.

Ang salarin naman ay kinilalang si James Salinas, 22, live-in partner ng biktimang si Danica.

Ang complainant ay ang misis ni Henry na si Marites, 53.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, problema sa pamilya ang dahilan ng krimen.

Bandang 10:00 ng umaga nang dumating sa bahay ng mga biktima si Salinas. Isinara nito ang gate at kinompronta ang kanyang live-in partner na si Danica. Sa gitna ng mainit nilang pagtatalo, biglang pinagsasaksak ni Salinas si Danica. Lumabas ang ama ng babae na si Henry para mamagitan. Pero pinagsasaksak din siya ng “manugang na hilaw” sa likuran, tapos sinunod na pinagsasaksak ang mga batang sina Alvin at Henry.

Dumating ang recue team ng barangay at kaagad dinala sa pagamutan ang mga biktima.

Naiwan sa loob ng bahay ang salarin at sinindihan nito ang gas tank na sumabog. Pero masuwerteng hindi nadamay ang mga kapitbahay. Inaresto si Salinas ng mga tanod ng barangay at dinala rin sa pagamutan.

Nahaharap sa kasong multiple frustrated murder at arson si Salinas, ayon sa mga imbestigador na sina PSSg Gilbert Santos at PCpl Aaron John Golo. (Jose “Koi” Laura)

The post 4 MIEMBRO NG PAMILYA NAKATAKAS SA MASAKER, PAGKA-ABO! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 MIEMBRO NG PAMILYA NAKATAKAS SA MASAKER, PAGKA-ABO! 4 MIEMBRO NG PAMILYA NAKATAKAS SA MASAKER, PAGKA-ABO! Reviewed by misfitgympal on Agosto 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.