Facebook

Banking services sa NCR-ECQ tuloy-tuloy

PATULOY pa rin ang banking services kahit pa nagsimula na nitong Biyernes, Agosto 6, ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, na tatagal naman hanggang sa Agosto 20.

Pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas, dapat magpatupad ng nararapat na hakbang ang mga bangko para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 habang tinitiyak ang tuloy-tuloy na pagserbisyo sa kasagsagan ng ECQ period.

Samantala, ang head office ng BSP sa Maynila at ang security plant complex naman nito sa Quezon City ay patuloy ding mag-operate pero sa skeleton workforce lamang para sa “mission-critical” departments at support units mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

The post Banking services sa NCR-ECQ tuloy-tuloy appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Banking services sa NCR-ECQ tuloy-tuloy Banking services sa NCR-ECQ tuloy-tuloy Reviewed by misfitgympal on Agosto 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.