Facebook

Higit 9.1M Pinoy fully-vaccinated na kontra COVID-19

SINABI ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa mahigit 9.1 milyong Pinoy ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.

Batay sa pinakahuling vaccine bulletin na inilabas ng DOH, nabatid na hanggang Agosto 1 ay umaabot na sa 20,863,544 doses ang nai-administer sa bansa, o may limang buwan nang simulan ang COVID-19 vaccination sa Pilipinas noong Marso.

Sa naturang bilang, 11,747,581 indibidwal ang nakatanggap ng first dose ng bakuna.

Kabilang sa kanila ang may 1,995,926 frontline health workers (A1 category); 2,884,325 senior citizens (A2 category); 3,770,784 persons with comorbidities (A3 category); 2,623,263 essential workers (A4 category) at 473,283 indigents (A5 category).

Samantala, nasa 9,115,963 naman ang mga indibidwal na fully vaccinated na, kabilang ang 1,571,843 frontline health workers; 2,616,273 senior citizens; 3,327,621 persons with comorbidities; 1,295,610 essential workers; at 304,616 indigents.

Ayon sa DOH, nakakapag-administer ang bansa ng average na 523,018 doses kada araw nitong nakalipas na linggo, base sa datos mula sa 1,465 active at reporting vaccination sites.

Mas mataas ito sa target na 500,000 jabs lamang kada araw.

Kaugnay nito, muli rin namang hinikayat ng DOH ang mga mamamayan na istriktong tumalima sa ipinaiiral na minimum public health standards (MPHS) at magpabakuna na upang maproteksiyunan sila laban sa COVID-19.

Target ng pamahalaan na makapagbakuna ng hanggang 70 milyong indibidwal upang makamit ang herd immunity ng bansa laban sa COVID-19. (Andi Garcia)

The post Higit 9.1M Pinoy fully-vaccinated na kontra COVID-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Higit 9.1M Pinoy fully-vaccinated na kontra COVID-19 Higit 9.1M Pinoy fully-vaccinated na kontra COVID-19 Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.