Facebook

DILG okey sa mungkahing 24/7 na bukas ang mga vaccination sites sa NCR

PABOR ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mungkahi na gawing 24/7 na bukas ang mga COVID-19 vaccination facilities sa National Capital Region (NCR) kahit nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Kinumpirma ni DILG Secretary Eduardo Año na 4 million doses ng COVID-19 vaccines ang nakalaan sa Metro Manila.

Ayon pa kay Año, sakali mang matuloy nga ang 24/7 operation ng mga vaccination sites sa Metro Manila, magpapadala sila ng karagdagang mga law enforcement officers para matiyak ang kaayusan sa mga lugar na ito.

Noong nakaraang linggo, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resolution ng IATF para ilagay ang Metro Manila sa ECQ simula Agosto 6 hanggang 20. (Josephine Patricio)

The post DILG okey sa mungkahing 24/7 na bukas ang mga vaccination sites sa NCR appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DILG okey sa mungkahing 24/7 na bukas ang mga vaccination sites sa NCR DILG okey sa mungkahing 24/7 na bukas ang mga vaccination sites sa NCR Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.