Facebook

Pagpapatupad ng ‘No vax card, No entry’, ‘di pa napapanahon – Roque

MISMONG si Presidential Spokesperson Harry Roque ang nagsabi na hindi pa napapanahon upang ipatupad sa bansa ang “No vaccination Card, No entry’.

Reaksyon ito ni Roque matapos ang kontrobersyal na executive order ni Lapu Lapu City Mayor Junard Chan na tanging mga bakunado lang ang maaring pumasok sa mga pamilihan at commercial establishments.

Ayon kay Roque, hindi pa natin naaabot ang 50% vaccination rate, kaya malabo pa na maipatupad ang kautusan na ito.

Sa ngayon ay nasa 30% pa lang ang vaccination rate sa bansa at inaasahang dadami pa ang mababakunahan sa sandaling ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Agosto 6-20.

Pinag-aaralan din umano ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) ang panukala ni Mayor Chan, dahil nagbabala umano ang IATF na kung sakaling magpapatupad ng mas mahigpit na restriction ang isang local government unit ay hindi na sila makakatanggap ng ayuda sa pamahalaan, at ang LGU na ang bahala na mamigay ng ayuda.
Gayunman, pinuri ni Roque ang inisyatibo ni Mayor Chan na magpatupad ng No vax, No entry Policy bagamat’t hindi pa ito napapanahon. (Jonah Mallari)

The post Pagpapatupad ng ‘No vax card, No entry’, ‘di pa napapanahon – Roque appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagpapatupad ng ‘No vax card, No entry’, ‘di pa napapanahon – Roque Pagpapatupad ng ‘No vax card, No entry’, ‘di pa napapanahon – Roque Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.