Facebook

Mandatory vaccination… asan ang mga bakuna?

PANUKALA ni Cavite Congressman Pidi Barzaga: Gawin nang mandatory ang pagbabakuna laban sa corona virus disease 2019 (Covid-19), na nanganak na ng grupo ng fraternity tulad ng Alpha, Beta at Delta.

Maging si Pangulong Rody “Digong” Duterte man ay nag-utos sa mga barangay chairman na huwag palabasin ang kanilang mga residenteng hindi bakunado.

Ito nalang daw kasi ang paraan para makalaya na sa higit isang taon nang under quarantine ang mga Filipino at makabalik na sa normal nating pamumuhay. Good!

Pero nasaan ang mga bakuna? Last year pa inaanunsyo nina Digong at vaccine czar Carlito Galvez ang pagbili ng bakuna pero hanggang ngayon ay tingi-tingi ang dumarating, mas marami pa ang donasyon kesa mga nabili. Many thanks America! Thanks you China!

Yes! Kung hindi ako nagkakamali, kulang 5 million doses na ang donasyon ng US na Pfizer at J&J vaccines, habang higit 3 million doses naman ang bigay ng China na Sinovac.

Ang inaanunsyo mula pa noong Nobyembre 2020 nina Digong at Galvez na nabiling 140 million doses para sa target na 70 million Pinoys na babakunahan ay hindi pa dumarating. Kung may dumating man ay baka wala pang 5 million, patak-patak pa!

So far, ayon sa ulat ng Department of Health, 7.8 million palang ang fully vaccinated. Tsk tsk tsk…

Samantalang halos lahat ay gusto nang magpabakuna, siksikan nga sa pila. Kaso kakarampot lang ang bakunang ibinibigay sa local government units (LGUs). Limited!

Masuwerte ang mga LGU na may pondo, nakakabili sila para sa kanilang constituents nang hindi umaasa sa pangako ni Digong.

Masuwerte rin ang mga empleyado ng malalaking kom-panya, nakakabili rin ang kanilang employer.

Pero ang mga kapos sa pananalapi na LGUs tulad sa mga mahihirap na probinsiya, umaasa lang sa suplay ng nasyunal na hindi alam kung kailan darating at kung ilang doses ang para sa bayan o lalawigan nila.

Hindi nga ba’t nagwala na si Iloilo City Mayor Gerry Trinas dahil hindi siya nabibigyan ng bakuna, gayung sagana ang sa Davao City. Tapos babakbakan pa siya ng pamahalaan na pabaya sa pagkalat ng Covid-19 sa kanyang lungsod.

Sa tingin ko, hindi na kailangan ang batas para sa mandatory vaccination. Aanhin mo ang batas kung wala namang panturok na bakuna? Waste of time and money lang ang isinusulong na ito ni Barzaga.

Ang dapat kalkalin ni Barzaga ay kung saan napunta ang bilyon bilyong pondo na inutang pa sa loob at labas ng bansa para sa bakuna. Nasaan?

***

Sabi ng DoH, hindi garantiya ang lockdown para hindi na kumalat ang Covid-19 o Delta variant.

Kung ganun… bakit magla-lockdown pa? Lalo lang nilang pinapatay ang ekonomiya. Mismo!

Ang nakatakdang 2 linggong lockdown mula sa August 6-20 sa Metro Manila ay napakalaking dagok sa mga negosyong ilang linggo palang kabubukas matapos makaalpas sa isang buwan na ECQ, NCR Plus Bubbles.

Noong Marso 17 hanggang Hunyo 1, 2020 ay sumailalim narin sa lockdown o ECQ (Enhanced Community Quarantine) ang bansa. Konti palang noon ang Covid cases, pero hindi naman nalusaw ang virus, lalo pa ngang lumaki ang kaso. Buset!

Teka, ‘di kaya may kaugnayan na sa nalalapit na election ang mga lockdown na ito? Hmmm…

The post Mandatory vaccination… asan ang mga bakuna? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mandatory vaccination… asan ang mga bakuna? Mandatory vaccination… asan ang mga bakuna? Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.