Facebook

ONLINE SELLER PINATAY AT SINUNOG NG 5 PULIS

NATAGPUAN na ang sinunog na katawan ng isang babae na online seller na biktima ng ‘Kidnap for Ransom’ ng mga pulis sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa report ni Police Lt. Colonel Renato Morales, kinilala ang sunog na katawan ng biktima na si Nadia Casar, 35 anyos, dalaga at residente ng Cavite.

Ayon sa ulat, Hulyo 23, 2021 (Biyernes) nang dukutin si Casar 4:00 ng hapon, isinakay sa isang grab taxi.

Ang grab taxi driver ang nagturo na kasama sa mga dumukot ang pulis na si Sergeant. Reyes.

Natukoy ang sunog na katawan ni Casar sa isang bakanteng lote sa Sitio Pinagpala, Barangay Imelda Valley, Palayan City, Nueva Ecija.

Una nang sumuko ang suspek na sina Sergeant Benedict Reyes at Cpl. Julius Alcantara na nakatalaga Provincial Drug Enforcement Unit ng Nueva Ecija PNP.

Kasabay nito, natukoy at nadakip rin ang mga kasama sa karumal-dumal na krimen sina SSgt. June Mallillin, miyembro ng Palayan City Police Station, MSgt Rowen Martin ng Cabanatuan City Police Station, at SSgt Drextemir Esmundo ng Cabiao Police Station.

Sa imbestigasyon ng PNP AKG, R2, IMEG, isiniwalat ni SSgt. Mallillin ang pangyayari, na inilagay nila sa isang sako ang sunog na katawan ng biktima bago ibinaon sa bakanteng lote sa nabangit na Sitio.(Thony D. Arcenal)

The post ONLINE SELLER PINATAY AT SINUNOG NG 5 PULIS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ONLINE SELLER PINATAY AT SINUNOG NG 5 PULIS ONLINE SELLER PINATAY AT SINUNOG NG 5 PULIS Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.