Facebook

P1.4 bilyong shabu nasabat, Tsekwa tigok

NASA kabuuang P1.482 billion halaga ng shabu ang nasabat ng mga operatiba ng PNP at PDEA sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operations sa Quezon City, Valenzuela City at Balagtas, Bulacan nitong Linggo (August 1).

Sa nasabing joint operations ng PNP at PDEA, apat na Chinese nationals ang naaresto habang isa ang nasawi nang makipagbarilan sa law enforcers.

Kinilala ni PNP Chief, General Guillermo Lorenzo Eleazar, ang apat na nadakip na sina Willie Lu Tan alyas Chen Bien; Anton Wong alyas Wang Zhong Chun, Wang Min; Chen Zhin, at Joseph Dy.

Ang nasawi ay kinilalang si Wu Zishen, 50 anyos.

Sa report, sa buy-bust operation sa Magsaysay Street, Barangay San Bartolome, Novaliches, Quezon City ay nadakip sina Tan, Wong, at Min at nakuhanan ng 127 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P863.6 million.

Samantalang sa buy-bust na ikinasa sa harap ng isang bangko sa may General Luis St, Paso de Blas, Valenzuela City ay naaresto si Dy at nakuhanan ng 16 kilos shabu na nagkakahalaga ng P108.8 million.

At sa isa pang buy-bust operation sa Barangay Santol, Balagtas, Bulacan, nakipagbarilan ang target na si Wu na napatay ng mga operatiba.

Nakuha sa posisyon ni Wu ang nasa 75 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P510 million at isang Colt .45 pistol.

Sinabi ni Eleazar, batay sa paunang imbestigasyon, ang mga nasabing indibiwal ang nagpapakalat ng droga sa Metro Manila at kalapit lalawigan.

Naniniwala sina Eleazar at Villanueva na malaking kawalan sa sindikato ang pagkakasabat sa bilyong halaga ng iligal na droga.

Inaalam pa ng pulisya at PDEA kung saan galing at kung sino ang nasa likod ng sindikatong ito ng iligal na droga. (Mark Obleada/Thony D. Arcenal)

The post P1.4 bilyong shabu nasabat, Tsekwa tigok appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P1.4 bilyong shabu nasabat, Tsekwa tigok P1.4 bilyong shabu nasabat, Tsekwa tigok Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.