Facebook

Finance at logistics officer g ASG timbog

NADAKIP ng mga tauhan ng PNP Intelligence Group ang brother-in-law ni dating ASG leader Isnilon Hapilon na siyang finance at logistics officer ng teroristang grupo.

Kinilala ni PNP Chief , General Guillermo Eleazar, ang nadakip na terorista na si Masckur Adoh Patarasa alyas Makong/Omair Sali Taib.

Ayon kay Eleazar, naaresto si Patarasa batay sa intelligence-driven police operation ng mga tauhan ng Regional Intelligence Unit-9 ng PNP IG kasama ang PNP SAF, CIDG-9, PNP-IMEG, Maritime Unit 9, TEAM ISAFP at AFP sa Barangay Asturias, Jolo, Sulu, 7:00 ng gabi ng Biyernes, July 30, 2021.

Si Patarasa ay may arrest warrant mula sa sala ni Judge Leo Jay Principe ng RTC, 9th Judicial Region, Branch 1, Isabela City, Basilan, na nahaharap sa pitong kasong Kidnaping and Serious Illegal Detention.

Kinumpirma din ni Eleazar na isang active Non-Uniformed Personnel (NUP) ng PNP si Patarasa na kasalukuyang naka-assign sa Banguingui Municipal Police Station, Sulu PPO.
Pero nabuking na isa palang Finance/Logistics Liaison officer ng Dauwla Islamiya/ASG si Patarasa at kabilang sa Martial Law Arrest Order No. 1 noong kasagsagan ng Marawi siege noong 2017.

Taon 2001 nang sumama si Patarasa sa grupo ni Basilan ASG leader Khadaffy Janjalani at ‘di nagtagal lumipat sa grupo ni ASG Senior Leader Radullan Sahiron sa Sulu.

Napag-alaman na mayroon din itong direct contact kay Jemaah Islamiyah operative Amin Baco alyas Guro Jihad at sa iba pang ASG personalities.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, nakatanggap si Patarasa ng pondo mula kay Almaida Salvin, isang terorista na kabilang sa U.S. Treasury’s sanctions list na naaresto noong April 2019 dahil illegal possession of explosives sa pamamagitan ni Merhama Sawari na napatay sa Parañaque City shootout kasama ang iba pang suspected terrorists noong June 20, 2020. (Mark Obleada)

The post Finance at logistics officer g ASG timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Finance at logistics officer g ASG timbog Finance at logistics officer g ASG timbog Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.