Facebook

OFW gusto nang umuwi ikinulong sa Qatar

HUMIHINGI ng tulong ang pamilya ng isang OFW sa Doha Qatar na matulungan sila ng mga ahensya ng gobyerno na mapauwi ang kanilang anak, nang ipakulong ng kaniyang amo sa jail facility ng nasabing lugar.

Kinilala ang nakakulong na OFW na si Marites Batobalonos, 23 anyos, tubong Barangay Macaguiling, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ayon sa kasintahan ni Batobalonos na si Christian Carl Tandog, Pebrero ng taon palang ay natapos na ang kontrata ni Batobalonos sa kanyang amo na si Maryam Khassef Albalushi ng Salal, Doha Qatar, ngunit hindi ito pinayagang makauwi ng Pilipinas dahil mahal umano ang plane ticket ngayong may pandemic.

Sa ngayon, hindi ma-trace ng Philippine Embassy sa bansang Qatar si Batobalono kung saan ang kinaroroonan nito.

The post OFW gusto nang umuwi ikinulong sa Qatar appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
OFW gusto nang umuwi ikinulong sa Qatar OFW gusto nang umuwi ikinulong sa Qatar Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.