Facebook

Kagawad huli sa P3.4m ‘bato’

ARESTADO ang isang incumbent barangat kagawad at pinsan nito sa buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa BARMM sa Barangay Tambu, Sultan Mastura, Maguindanao, Sabado ng hapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Brgy. Kagawad Farhan C. Ibra, 29 anyos; at Alinot Taurac, 30, kapwa residente ng Marantao, Lanao Del Sur.

Sa ulat, nakumpiska sa dalawa ang 7 sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

Nagtangka pang tumakas ng dalawa lulan ng Toyota Revo subali’t agad sila nasukol.

Nakakulong sila ngayon sa custodial facility ng PDEA BARMM sa Brgy. Rosary Heights 1, PC Hill ng lungsod. Kakasuhan ang mga ito ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa Davao del Sur, arestadonaman ang isang government employee sa buy-bust operation noong Sabado sa bayan ng Sta. Cruz.

Nakuha sa babaengtulak ang 4 pakete ng shabu na may timbang na 14.64 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P219,600.

The post Kagawad huli sa P3.4m ‘bato’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kagawad huli sa P3.4m ‘bato’ Kagawad huli sa P3.4m ‘bato’ Reviewed by misfitgympal on Agosto 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.