Facebook

Lalaki nambato sa mga pulis, binaril-tigok

TODAS ang isang lalaki nang mabaril ng mga rumespondeng pulis na kanyang binato nang magwala ang una sa Uburan, Cebu, Sabado ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Danilo Talaugon Sampalad, 43 anyos, residente ng Sitio Gumamela, Barangay Daan Lungsod, Tuburan.

Sa report ng Tuburan Police Station, 7:50 ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Ayon kay Police Staff Sgt. Mark Joseph Toring, imbestigador ng Tuburan Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa barangay tanod na sinugod sila ni Danilo at gustong saktan ang misis nitong si Judith, 41.

Sa pagresponde ng mga awtoridad, pilit nilang pinapasuko si Sampalad subali’t hinagisan sila ng bato at nagsisigaw na hindi ito pahuhuli ng buhay.

Bagkus nagpumilit pa rin itong pumasok sa bahay ni Judith na armado ng kutsilyo at baril kaya napilitan na itong barilin ng pulis at tinamaan sa tagiliran bahagi ng katawan.

Nakuha sa bangkay ni Danilo ang caliber .38 revolver paltik, isang bala, apat na bala ng .9mm na baril at 19 pulgadang kutsilyo.

Sinabi ng mga residente na madalas nagwawala si danilo kapag lango sa alak.

The post Lalaki nambato sa mga pulis, binaril-tigok appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lalaki nambato sa mga pulis, binaril-tigok Lalaki nambato sa mga pulis, binaril-tigok Reviewed by misfitgympal on Agosto 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.