Facebook

Kumander ng NPA tigok sa engkuentro sa Sorsogon

PATAY ang isang kumander ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ang tropa ng mga sundalo sa Barangay San Juan Daan, Bulan, Sorsogon, Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi sa mga alyas na “Ka Cennon” at “Ka Tikong”, kumander ng Sentro de Grabidad, Larangan 3, Komite ng Probinsya 3 ng NPA sa nasabing lalawigan.

Sinabi ni Captain John Paul Belleza, spokesman ng 9th Infantry Division­ (ID) ng Army, na si Ka Cennon ay sugatang naaresto at naisugod pa sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival.

Sa ulat, 3:40 ng madaling araw, ayon kay Belleza, nang makasagupa ng tropa ng 22nd Infantry Battalion (IB) ng Army ang tinatayang nasa 14 rebelde sa nasabing lugar.

“Na-captured siya initially tapos may tama pala, so pinilit idala sa hospital at i-revived kaso DOA (Dead-on-Arrival) na”, ayon kay Belleza.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang M14 rifle at anti-personnel mines.

The post Kumander ng NPA tigok sa engkuentro sa Sorsogon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kumander ng NPA tigok sa engkuentro sa Sorsogon Kumander ng NPA tigok sa engkuentro sa Sorsogon Reviewed by misfitgympal on Agosto 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.