Facebook

Magnanakaw ipinatutubos ang ninakaw arestado

SWAK sa kulungan ang isang lalaki nang tangkain ipatubos sa biktima ang kanyang ninakaw sa Malabon city, Sabado ng tanghali.

Kinilala ang naaresto na si Jamille Paradillo, 40 anyos ng 1037 General San Miguel St., Sangandaan, Barangay 4, Caloocan city.

Sa pahayag ng biktimang si Shirelyn Adelino, 51, OIC Chief ng School Governance Operation Division ng DepEd Malabon City at residente ng 44 Prelaya St., Brgy. Tugatog, nagpadala sa kanya ng text message ang suspek na nagsasabing magkita sila sa San Miguel St.para ipatubos sa kanya ang hard drive na nasa P500 ang halaga at assorted identification cards sa halagang P1,600.

Tiningnan ng biktima ang kanyang mga gamit saka sinuri ang kanilang CCTV at nang makumpirma na tinangay nga ang naturang items ay humingi ito ng tulong sa Caloocan Police Sub-Station 4 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Paradillo.

Narekober kay Paradillo ang assorted ID’s at ang P1,600 subali’t, hindi na nabawi ang hard drive.

The post Magnanakaw ipinatutubos ang ninakaw arestado appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Magnanakaw ipinatutubos ang ninakaw arestado Magnanakaw ipinatutubos ang ninakaw arestado Reviewed by misfitgympal on Agosto 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.