Facebook

8 MIEMBRO NG KFR TIMBOG SA QC

ARESTADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang walong miembro ng ‘kidnap for ransom’ sa loob ng JAS Salon and Spa sa Garcia Heights, Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Kinilala ni Police Lt. Colonel Jeffrey Bilaro, kumander ng Police Station-14, ang mga naaresto na sina Jaypee Mangalindan, 22 anyos, ng Damarinas, Cavite; Ralph Garma, Rustom Laurencio, Realan Labto, mga residente ng Muntinlupa City; Glenn Garcia, July Monterde, Joel Mariano at Carlo Villador, mga residente ng Quezon City.

Sa report ng Holy Spirit Police Station, makikipagkita ang biktima na si Qin Zhi Xuan sa kaniyang girlfriend na isa sa mga suspek na si July Monterde.

Dinala ni Monterde si Zhi Xuan sa spa and salon at dito piniringan ng iba pang suspek saka itinali.

Pagkatapos limasin ang dala nitong pera na 20,000 RMB (Renminbi, ang official currency ng China), tinawagan ng kidnapper ang mga kaanak ng biktima sa China at humihingi ng ransom money.

Isang confidential informant naman ang nagsumbong sa ginawang illegal detention ng mga kidnapper sa naturang Chinese national.

The post 8 MIEMBRO NG KFR TIMBOG SA QC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
8 MIEMBRO NG KFR TIMBOG SA QC 8 MIEMBRO NG KFR TIMBOG SA QC Reviewed by misfitgympal on Agosto 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.