Facebook

Protest Walk ni Ret. Sgt. Hector Fernandez

SA nangyari paghinto ng Napolcom Disability Assistance Benefits ng PNP TPPD Retirees at Survivors na 12,000 pesos monthly, mula January 2020 hanggang ngayon July 2021, 19 months na ang lumipas , kaya naisipan niya dahil apektado na ang kanyang pamilya at awa din sa mga kapwa TPPD na naka wheelchair na at hirap sa buhay na mag Protest Walk.

Mula Cagayan De Oro hanggang Malaçanang ang kanyang lalakbayin mag isa. Nakita ko sa post nasa Balingasag , Misamis Oriental na siya , tumulong naman ang mga active police na pinag kalooban siya ng pagkain , inumin at matulungan sa Lagonlong , magpalipas ng gabi noting July 31, 2021.

May nagpadala na din Gcash na mga MUP Retirees Pensioners Association tulad ng PRAI, AFP CGJF RSBA kay Sgt Fernandez para sa kanya baon na kakanin, inumin, pamasahe sa Barlow dahil tawid dagat ang kanyang lalakbayin. Sa kanyang kalagayan na may edad na , cancer survivor , may iniinda sakit din ngunit ang Walk Protest ang naisip niya paraan para makarating kay Pangulo Duterte ang naudlot na mga benepisyo sa Napolcom at pati PNP Pension ay wala pa din para sa buwan ng July.

May instruction si PRAI Pres / Chairman , Ret. Gen. Van Luspo sa mga PRAI Chapter na salubungin si ret Sgt Fernandez para mabigyan ng pagkain , inumin , matulungan sa gabi . Ang PRAI ay tumutulong sa PNP TPPD at Survivors sa issue ito ng pag hinto ng Napolcom benefits na nag mula sa DOJ legal opinion na double compensation ito sa TPPD at Survivors , ayun din ito sa COA. Ang Legal Opinion na ito ay kontra naman sa RA 6975 as amended by RA 8551, PD 1148 for Napolcom other benefits for TPPD and Survivors.

Maglalakbay siya ng 25 to 30 days as the case may be bago makarating ng Maynila papunta ng Malaçanang. Ipagdasal natin siya ay ligtas at gabayan ng Panginoon na maligtas sa kapahamakan, sa Pandemic , sa mga sakit.

PSALM 22: 10
“I have relied on You since the day I was born , and You have always been my God .”

The post Protest Walk ni Ret. Sgt. Hector Fernandez appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Protest Walk ni Ret. Sgt. Hector Fernandez Protest Walk ni Ret. Sgt. Hector Fernandez Reviewed by misfitgympal on Agosto 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.