PATAY ang salarin sa karumal-dumal na pagpatay sa 12-anyos na dalagita sa Nabua, Camarines Sur nang “manlaban” ito sa loob ng himpilan ng pulisya.
Kinilala ang napatay na si Ricky Ebonite, ang pumatay sa dalagitang si Trexia Mae Luzon Samson, 12 anyos, ng Barangay San Antonio, Ogbon.
Sa report, nakitang bangkay at putol-putol ang binti sa isang bakanteng lote sa Bustrac-San Vicente Road sa Zone 6, Brgy. Bustrac, Nabua, Camarines Sur nitong Martes ng umaga si Samson na nawala nitong Agosto 4.
Sa ulat, sumuko si Ebonite Miyerkoles ng madaling araw, subali’t habang pinoproseso ng awtoridad ang kanyang mga papeles, inagaw nito ang baril ni Maj. Divino John Pelea, dahilan kaya pinaputukan ito.
Batay sa rekord ng pulisya meron nang unang kasong ng rape si Ebonite.
The post Killer ng dalagita nang-agaw ng baril ng pulis, tigok appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: