Facebook

KMP dismayado sa DAR sa tunay na repormang agraryo

DISMAYADO ang grupo ng mga magsasaka sa Department of Agrarian Reform (DAR) dahil sa kabiguan nitong ipatupad ang tunay na repormang agraryo na nagsadlak umano sa labis na kahirapan ng mga magsasaka sa kanayunan.

Sinabi ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) President Danilo Ramos matagal na umanong nailibing ang programa na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) matapos magtapos ito noong 2014 subalit patuloy pa rin ipinatutupad ng DAR.

“Dapat na ipatupad ng DAR ay ang tunay na repormang agraryo at isabatas ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) na puputol sa pagkaalipin ng mga magsasaka sa lupa” ani pa ni Ramos.

Ayon sa email message at telephone interbyu kay Ramos sinabi nitong mapanlinlang umano ang pahayag ng mga opisyal ng DAR na naipatupad ng maayos ang CARP sa mga lalawigan at rehiyon ng bansa at naging matagumpay ito.

Kaugnay nito ibinigay na halimbawa ni Ramos ang Hacienda Looc sa lalawigan ng Batangas sa Brgy. Nasugbo, Bulihan, Calayo, Papaya na walang tunay na land reform program.

Idinagdag ng presidente ng KMP ang kaso ng Hacienda Luisita na may 8,643 hectares at meron ng CLOA (Certifficate of Land Ownership Awards (CLOA) ang mga magsasaka subalit 90% umano ng mga lupang agraryo dito ay kung hindi naaryenda ay nakasangla na kinabibilangan ng sampung Barangay ng hacienda.

Idinagdag pa ni Ramos na kahit na may CLOA umanong ibinigay sa isang magsasaka ang punto de vista umano at ang usapin ay wala sa possession ng magsasaka ang lupang ibinigay sa kanya dahil kung hindi naka aryenda ito at nakasangla sa landlord o tao ng landlord.

“Punto dito kahit may CLOA ay wala sa possession ng magsasaka ang lupa kaya’t ano ang silbi nito “ ani pa diin pa ni Ramos.

Kaugnay nito ipinunto pa ni Ramos ang CARP ang pinaka malalang programa at magastos na programa ng DAR dahil aabot umano sa P286 Bilyon ang nagastos ng DAR para ipatupad ang naturang programa simula ng umpisahan ito.

Samantala, sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ng Department of Agrarian Reform (DAR) hinggil sa pahayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), subalit hindi sumasagot sa text message, private massage at hindi makontak sa tawag sa cellphone ang mga opisyal nito partikular ang mga opisyal ng Public Assistance and Media Relations Service (PAMRS) ng DAR.(Boy Celario)

The post KMP dismayado sa DAR sa tunay na repormang agraryo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
KMP dismayado sa DAR sa tunay na repormang agraryo KMP dismayado sa DAR sa tunay na repormang agraryo Reviewed by misfitgympal on Agosto 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.