Facebook

KNOCKDOWN SA LOCKDOWN

SAPUL ng kaliwat-kanang bigwas ang sambayanan sa mga ikinasang lockdown ng kinauukulan upang sugpuin daw ang pagkalat ng imimbentong virus mula pa noong nakaraang taon hangga ngayon.

Hilahod ang Pinoy na nagmistulang na-knockdown sa ilang round ng lockdown ng plan’demya pero nanatiling buhay ang ulirat at nakatayo pa upang rumesbak sa hamon ng kalabang di nakikita.

Pero nananatili ang banta ng kina-praningang corona virus kung saan ay may mga bagong bansag na delta variant umano ayon sa mga eksperto (sa panggogoyo) na mas deadly na nakahawa kesa sa nauna kaya heto na naman ang mga alarnista ang panikero mula sa da WHO?, DoH at mga alkalde ng Kamaynilaan na binubuo ng IATF.

Panibagong lockdown na naman anila ang solusyon upang mapigilan ang pagkalat ng mikrobyong ka -level lang ng karaniwang trangkaso pero pinanakot na naman ng mga walang pakundangang dalubhasa kuno.

Di mawari ng korner na ito kung bakit sisikilin muli ang galaw ng mamamayan dahil sa panic ng variant na mas nakaka-alarma pa ang banta ng GUTOM at epekto sa utak at stress ng helpless nating kababayan na hindi lang knockdown kundi knockout ang magiging masamang epekto ng panibagong lockdown.

Silang mga health officials at NCR mayors na nag-advise kay PRRD ng panibagong ECQ, kahit isang taon ay wa -epek sa kanila sa dami na ng naimbak nila sa baul pero kay pobreng Juan na di makakahig ng isang araw ay tiyak na walang matutuka ang kanilang pamilya. Dapat ay magkaroon ng loyalty check si PDIGONG dito dahil puro anti-people ang kanilang desisyon. Mukhang gusto nilang magalit ang taumbayan sa popular na Pangulo ng bansa.

Narito na ang bakuna.Andiyan ang health protocol. Sumusunod naman ang mayoryang mamamayan basta’t huwag lang patigiling maghanapbuhay.

Hindi rin solusyon ang AYUDA sa panahon ng lockdown , hindi naman lahat ay nabibigyan dahil Ibinubulsa kasi ng mga buwitre sa LGU at ilang kruk sa social welfare. Wish ng korner na ito, pag-isipan nang husto ang napipintong implementasyon ng lockdown na naman. Gustung-gusto iyan ng mga kritiko para magalit ang tao sa Palasyo. Hindi dapat mangyayari iyan… ABANGAN!!!

MARCIAL RULE:Nagbabaga at sakto ang dating sa desk ng inyong deadline -beater,pinabagsak ng ating pambatong boksingerong si Eumir Marcial ang mapanganib na Armenian pug na si Arman Darchinian na humalik sa lona 2:11 ng first round.Ang ikalawang knockout victory ng Pinoy ang nag-abante sa kanya sa semifinals at kung patuloy ang kanyang ‘Marcial Law’( batas ng kamao) ay bibigwas na siya para sa ginto sa Tokyo Olympics. Go for GOLD!

M24 MAHARLIKANS SALUTE TO DIAZ
AND ‘TEAM PILIPINAS”

“Our heartfelt and sincere congratulations to weightlifting icon Hidilyn Diaz! You have placed the Philippines on the map with your world record lift!.Being the first Olympian gold medalist winner for our country, you have open up everyone’s eyes that thru dedication, right attitude perseverance,huge moral support and faith in GOD,you can be the best! You are a true Maharlika-Dugong Bughaw! We salute you from M24 Maharlika Builders of Guardians Canada-USA-Manila Philippines,”founder/organizer( civic servant and sportsman) Doc Chito Collantes M24B1024 said.Mabuhay ang Atletang Pinoy!

Lowcut: Birthday greetings to cutipie babyboy Juan Marcus Nadora( Aug.1)from mom Marcel Obejas and dad Joselito Nadora of Villa Elise, Pandi, Bulacan and grammy Maria Teresa Nadora of Tondo, Manila.

The post KNOCKDOWN SA LOCKDOWN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
KNOCKDOWN SA LOCKDOWN KNOCKDOWN SA LOCKDOWN Reviewed by misfitgympal on Agosto 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.