Facebook

DAR tiniyak na tuloy ang implementasyon ng CARP

TINIYAK ng Department of Agrarian Reform (DAR) na ang implementasyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), patuloy na umaarangkada sa ilalim ng Second Phase ng Agrarian Reform ni President Rodrigo Roa Duterte.

Kaugnay nito pinabulaanan ng pamunuan ng DAR ang pahayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na walang tunay na Agrarian Reform Program sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon sa DAR ang statement ng KMP na ang mga landlords at kapitalista ay patuloy na humahawak ng malawak na agricultural lands ay hindi umano suportado ng mga ebidensya basa sa records ng DAR.

Sinabi pa ng DAR na ang landholdings na sinasabi sa pahayag ng KMP ay hindi pag-aari ng capitalists o landlords.

Ayon kay Undersecretary for Field Operations Atty. Elmer Distor ang mga agricultural lands na may inisyuhan ng requisite Notices of Coverage (NOCs) ng DAR, ay nasasakop ng Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) at kabilang sa mga nahahanay na mga kuwalipikadong Agrarian Reform Beneficiaries o ARBs. At sinabing ang mga landholdings sa tinutukoy sa listahan ng KMP at ito’y nasasakop ng DAR bago pa ang 1990s.

Idinagdag pa ng DAR na kabilang sa landholdings na tinutukoy ng KMP na kabilang sa ilalim ng CARP ay ang dating haciendas sa Sta Isabel , Isabel at Tarlac (25,046 hectares as early as 1983), ang dating haciendas sa Negros Occidental (1,897 hectares as early as 1997), na wala na.

Habang ang Hacienda Reyes naman sa Quezon Province (3,290 hectares) ang dating Hacienda Madrigal sa Cagayan Valley (12,000 hectares ay covered at nasa ilalim ng CARP subalit may nakabinbin usapin sa boundary dispute), ang dating Hacienda Looc sa Batangas (9,510 hectares subalit may nakabinbing exemption case sa Supreme Court) at ang dating Yulo landholdings (47,100 hectares in 2021).

Kaugnay nito tinukoy pa ni Undersecretary Distor na ang dating haciendas na pag-aari ng Araneta family sa Isabela-Teresa ay nasasakop na sa ilalim ng CARP, na binubuo ng 6,934 hectares maliban sa lugar na exempted ng CARP ng 2002.

Ang dating Hacienda Matias sa Quezon na nasa ilalim at nasasakop ng CARP na kinabibilangan ng 2,215 hectares ng 2016. At ang dagdag na area ng 19.94 hectares ay sumasailalim sa documentation. Kaugnay nito kinumpirma ng DAR na ang Matias family ay patuloy na nakikipagtulungan sa DAR.

Ang landholdings na matatagpuan sa Quezon na nabuong Hacienda Uy, at nasasakop at nasa ilalim ng CARP at naipamahagi na sa ARBs na kinabibilangan ng may kabuuang area ng 2,718 hectares.

Samantala kaugnay nito ang proseso sa nasasakop ng dating Hacienda Roxas sa BAtangas ay nagpapatuloy ang re-documentation at identification ng mga beneficiaries ay isinasaayos ang preseso at ito’y may kabuuang 4,783 hectares.

Habang ang haciendas ng dating pag-aari ng Zulueta Family sa Isabela ay nasa ilalim at nasasakop na ng CARP simula pa umano noong 1985. Kasunod ng coverage na nasasakop ng CARP ay nakumpleto noong 1990, 2002, at 2020 na may kabuuang area ng 4,538 hectares sa ilalim ng CARP.

Kaugnay nito sinabi pa ng DAR an gang ibang landholdings na tinutukoy ng KMP sa kanilang pahayag ay hindi bahagi ng land acquisitionat distribusyon ng (LAD) at ang iba pang balance ng DAR ay hindi nasasakop o hindi nasasailalim ng CARP.(Boy Celario)

The post DAR tiniyak na tuloy ang implementasyon ng CARP appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DAR tiniyak na tuloy ang implementasyon ng CARP DAR tiniyak na tuloy ang implementasyon ng CARP Reviewed by misfitgympal on Agosto 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.