NATANGAYAN ng P35,000 ng riding-tandem snatchers ang isang senior citizen sa Koronadal City.
Kinilala ng Koronadal PNP na pinamumunuan ni Lt. Colonel Joedy Lito Guisinga ang biktima na si Ofelia Sapiter, 61 anyos, ng Barangay Sto. Niño sa naturang lungsod.
Sa ulat, hinablot ng riding in tandem ang bag ng biktima na kagagaling lang sa Mlhuiller sa Balomores Street malapit sa pupuntahan nitong cooperative office sa Barangay Zone 2.
Ang riding in tandem snatchers tumakas sakay ng NMAX motorcycle.
Ipinahayag ni Guisinga na may persons of interest na ang PNP sa serye ng hold up at robbery incidents sa Koronadal.
The post Lola natangayan ng P35K ng snatcher appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Lola natangayan ng P35K ng snatcher
Reviewed by misfitgympal
on
Agosto 23, 2021
Rating:
Walang komento: